Sobrang naadik asawa ko sa ML dati to the point na ang free time niya ay nilalagay niya sa paglalaro ng ML. Pati kasi coworkers niya mga promotor, nag aayaan sila mag-ML.
Naglalaro din ako ng ML dati but I stopped kasi tinamad ako dahil sa tuloy tuloy kong lose streak. Pero etong March, nagbalik loob ako at sinamahan ko na siya maglaro kasi kaysa mastress ako, sasamahan ko at papabuhat ako sa kanya HAHAHAHA
Eto ngayon, ako ang mas trip mag-ML, kasi nawawalan na siya ng gana at sinasama niya ako dati sa rank game ng coworkers niya. Tinatrash talk ko kaya nawalan ng gana. Pano ko hindi, ttrashtalkin??? Ginagawa akong alay.
Anyway, lesson here is... Samahan niyo. Mawawalan yan ng gana promise HAHAHAHA
Ngayon, mas balanced na. Mas hatak ko siya sakin. Maglalaro lang kami kapag trip lang namin 😊 lilipas din yan pero yung pagkaexcessive na, kaya pa yan gawan ng paraan katulad ng ginawa ko.
P.S. Marunong na ako maglaro at di na ako pabuhat. 😏Tamang pili lang ng item build yan 😂
Magbasa pa