VIBRATION NI BABY

Hi mga mamsh, I'm on my 28th weeks, & parang nag lalaro si baby ng bubbles sa may tagiliran ko banda, nag vi-vibrate kasi & mejo matagal tas nasipa sya. Ano kaya yun mga mamsh? After ko mag wiwi, ayun na nag laro na sya ng bubbles & after nya mag laro ng bubbles ang likot likot na nya sya na gumugising sakin sa madaling araw. Ano kaya yun mamsh? Nag lalaro ba si baby ng bubbles? :) First time mom here.

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same here momsh sobrang likot kahit mahimbing tulog ko magigising talaga ako sa sipa nya. Sobrang lakas nga sumipa nakabwelo kala ko minsan lalabas sa gilid ko. 😂 anyway kakatuwa naman. Hiccups nya yung bubbles na pakiramdam. 🥰

29th week ko ngayon same tayo sis ang cute nya lalo na kapag naka side ka humiga. Parang may hinihipan sya sa loob mo tapos biglang sisipa si baby. Esp kapag madaling araw nangigising yata si baby gusto makipaglarao haha ❤

Ako din po I'm on my 5th month super likot na nya.. Sabi nila healthy daw si baby pag malikot na.. Sana healthy lahat mga babies natin hanggang paglabas nila..

Ako nga 23 week sobrang likot na eh navideohan ko pa nga na sumisipa na sya halata na sa tyan ko pag sipa nya😍

28weeks na din ako super active c baby, parang kung saan saan nya sumisiksik/kick/punch sa loob ng tummy ko. 😂

5y ago

Nakakaramdam kadin ba ng parang bubbles na nilalaro nya mamsh? Nakaka tuwa kasi. 😊

Si baby nmin npkalikof lalo na pag noguusapan siya st nririnig boses bg papa nya hehe

Same sis. Yung parang nakikiliti ata sya hahahahah sunod sunod kasi na galaw

Mine too. Yung parang may lumalangoy sa loob ko. Tapos nanginginig.

VIP Member

Could be hiccups kung rhythmic

VIP Member

Active c baby