Walang tiwala ang partner ko sa akin. This is a rant. Sorry po. Gusto ko lang ilabas sama ng loob ko

Pina-resign ako ng partner ko sa trabaho para maka-focus ako sa pag-aalaga kay baby. I gave up my career kasi yun ang gusto nya. Mabuti daw yun para kay baby para di kulang sa aruga. Kasi pag wala daw ako sa bahay stress si baby (work from home kasi sya). Alam ko naman na ganun, dahil kahit ako nasa office mab physically pero yung utak ko hati sa work and kung kumusta na kaya ang baby ko, kung dumede na ba, kung nakakatulog ba ng maayos, kung nakaligo na ba, etc. Kaya nakumbinse din ako na magresign na kasi naaawa ako sa baby ko. Kulong lang ako sa bahay. Di makalabas kasi palaging "paano si baby?" "Nakalimutan m9 na ba na may anak ka?" I know kailangan ako ni baby but can't I have my me time? Pwde ko ba saglit ibilin sayo si baby? Parang nawawala na kasi identity ko. Baka di katagalan di ko na alam kung sino ako. 😔 nag-ooffer na ko na ako na mamimili ng grocery kaso big NO palagi. Sila ng kapatid nya ang mamimili and maiiwan na naman kami ni baby sa bahay. It will always be like that. Reason nya din is wala sya tiwala sakin pagdating sa pag budget ng pera. Baka daw maubos ko pera kung ako mamimili. 1 month ago na since nag-resign ako so 1 month na rin ako walang hawak na pera. Ang point ko is pinag-resign mo ko sa trabaho pero di naman ako naging "ilaw ng tahanan" I am more like a yaya and the milk supplier. I gave up being a career woman thinking that I'll be a full time housewife pero parang hindi naman ganun tingin mo sakin. Naging taga-bantay na lang ako ni baby. Masaya ako na nasusubaybayan ko paglaki ni baby kaso kasabay ng paglaki ni baby ang pagkawala ng identity ko.

2 Replies

I feel you, mommy. Nagshift din ako from being a career woman to a stay at home mom, and nakaka-relate ako sa struggle mo with feeling like you're losing your identity. Sana makapag-usap kayo ng husband mo and he realizes na just because you're the mom doesn't mean all childcare should fall on you. Kailangan din nya alagaan si baby, bond with them, and give you some me time. Nakakabahala lang yung wala syang tiwala sayo in terms of finances, at hindi ka man lang makalabas. He needs to step up kahit sya ang provider dahil hindi mo talaga maaalagaan nang maayos si baby kung ubos na ubos ka na. That is extremely unhealthy. Sounds like it's been a month and you're breastfeeding din. It's hard talaga sa umpisa mommy but you'll get the hang of it and it'll get easier as your baby grows. Pero kailangang maintindihan ng husband mo kung anong kalagayan mo.

talk to ur husband about it mommy... pra malman nya dn un nafefeel mo.. and tama nmn c husband mas mgnda tlg na mother un mag alaga sa baby dhl sure na safe at maalagaan tlg c baby. I know lht ng mommy need ng "me time" ksi tlgng nkka exhausted un mag alaga ng baby araw araw gumawa ng gawain bhy na plgng un ang daily routine, pero kausapin mo sya na u need time also for urself kht 3 hrs. lng.. as for the baby, mabilis lng un panahon kht mhrap u need to enjoy every milestone of ur baby.. ksi ndi mo mppansin malaki na c baby mo kya mgnda dn kaw tlg ksma nya.. b4 gnyn din aq y ganito and y ganyn ndi ko na enjoy un pag aalaga ko ng 2nd baby ko kya nun nagkaron uli aq ng baby super happy aq ksi na miss ko tlg mag alaga ng sariling baby e.. kya nun nagng preggy aq super thankful tlg aq...

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles