AKO LANG BA?

Ako lang ba yung naiinis na minsan. Yung akala ng MIL ko e mas better sya when it comes to parenting. E madalang lang naman nya hawakan si baby. Like sa pagpapatulog na lang kay baby, 'Ay buti pa saken mabilis lang makatulog'. Tapos nung unang beses ko liguan at hilamusan si baby 'Ay di kapa pala marunong'. Di naman nya alam nangyayare sa bahay e gabi na sya umuuwe. Di naman nya alam yung minsan maghapon nakakalong lang si baby sayo para matulog ng derecho. Minsan nakakababa lang ng self-esteem kase first time mom ka and that doesn't mean na hindi mo alam ang ginagawa mo sa anak mo. Kaya I told my hubby na pagtapos ng Mat Leave ko at nakabalik nako ng work e lilipat na kame ng bahay.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako naman ang nagwwork. Si hubby ang nagaalaga sa mga bata. Madalas nahhurt din ako pag sinasabihan niya ako na hindi ko alam alagaan ang mga anak ko. Naffrustrate na nga ako na hindi ko sila maalagaan ganun pa siya.

5y ago

Mahirap din yan mommy. No choice ka naman db kase pag dika nagtrabaho kawawa naman ang mga bata. Ako nga iniisip ko minsan na kung pwede lang di na ako bumalik ng work e.