Just want to share. Please give some advice. Long post Ahead
So eto na nga gusto ng LIP ko na bumalik na kami for good sa bahay nila. Pero di ako maka pag decide. Heres why 1. Yung mama ko ayaw pa pumayag kasi may chance pa na mabinat ako at mahihirapan daw ako dun kasi wala ako katulong mag alaga kay baby. 2. Sa sobrang kagustuhan na ng LIP ko na bumalik kami pina ayos nya ng rush room namin. 3. Di ko ako maka pag open sakanya na sa totoo lang eh nahihirapan padin ako. Kasi baka sumama loob nya or mag tampo sya or magalit sya. Natatakot ako sa magiging reaction nya. I've been thinking on this for almost a month. Nahihirapan ako matulog kakaisip. Minsan naiiyak ako. (medyo OA yung naiiyak pero totoo) in other words nasstress ako. nappressure ako sa decision making dahil sa mama at LIP ko. Sa totoo lang pag andito kami ni baby sa bahay ng mama ko. Mama ko nag papaligo kay baby nag bibihis nag pupunas, pag masama pakiramdam ni baby kapalitan ko sya mag bantay kay baby. lalo na pag di agad natutulog si baby kinukuha nya tinutulungan nya ko magpatulog agad. gusto daw nya alagaan muna si baby. At ayaw nya pa din ako gaano mag kikilos kasi baka mabinat ako. Pero pag nandun kami sa bahay ng LIP ko, ako lahat nag aasikaso kay baby. Alam ko naman na responsibility ko yun bilang mama nya pero sa totoo lang ang hirap kumilos kasi di ko basta maiwanan si baby kasi wala mag babantay lalo na pag on duty pa si LIP. Tapos syempre puyat kailangan nya na matulog so ako nalang mag isa.tinutulungan naman nya ko. pero compared pag dito sa bahay ng mama ko, para sakin mas nakakangalaw ako, sa bahay nila eh medyo nahihirapan ako. dito sa bahay ng mama ko Nagagawa ko pa ibang mga bagay. May small business din kasi ako. So nag kaka time ako konti para asikasuhin yun. Di ko alam. Im really not good in expressing may feelings or thoughts. Nasabi na din kasi minsan ni LIP na "yung ibang mga nanay nga kaya eh" . Kaya ko naman eh di ko naman sinasabi na di ko kaya. I still need full support. Sasabihin nila nanay na ko dapat kaya ko na dapat alam ko na responsibilidad ko. alam ko naman yun. Pero anong gagawin ko eh nahihirapan pa ko. Di ko na alam gagawin ko. I always have to choose between my LIP and my mama. #pleasehelp #1stimemom #advicepls #JustMoms