Advice

Pahingi naman po ng advice ! Nalulungkot kase ako, yung hubby ko sa sobrang pagtitipid pinagbabawalan na ako bumili ng mga alam kong needs ni Baby ? Lage niyang sinasabi saken na may MAS importanteng mga bagay kesa sa mga binibili ko. Di pa nalabas yung baby ko pero pinaghahandaan ko na as in. Like mga clothes ganun, one time sabi ko bibili na ako ng crib kase para ready na pero nagalit siya kesyo ang dami pa daw pwedeng unahin kesa dun. Gusto ko lang naman lahat ng kailangan niya maibigay ko para wala ng problema. Kaya tuloy napapakupit ako sa kanya like kunware sa ultrasound ang bayad lang is 350 sasabihin ko 650 para may pangbili ako ng mga needs ni Baby. Then kahapon bumili ang mama ko ng bike para sa kapatid kong 1yr old ang sabi ba naman niya " kita mo yan ? May mga bagay na dapat unahin pero inuna pang bumili ng bike. " Take note nakabili naman ng isang lata ng gatas ang mama ko at mga diapers. Kaya hindi ko alam ang gagawin ko kase nakikita kita ko yung maggng life ko sa kanya ? Kaligayahan ko ang mabigay ang needs ng baby ko pero iba yung mindset niya

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

May mga ganyan talagang lalaki... Wala ka bang work??? Mahirap talaga kapag sa lalaki lang tayo umaasa... How about the salary of your husband??? Hindi ba niya binibigay sayo sweldo niya o hindi ka ba niya pinapartihan??? Bakit kailangan mo pang kumupit sa kanya??? Ang gawin mo na lang... Opinyon ko lang ito ah... Ask mo na lang siya kung ano ang gusto niya bilhin para sa anak niya para wala na lang away... Makakasama pa kasi sa baby mo yan eh... Huwag ka masyado malungkot o mag-isip ng ikalulungkot mo kasi maaapektuhan ang baby mo niyan... Yung crib naman... Hindi pa naman kailangan yun... Saka na lang kapag medyo malaki na si baby... Hindi mo naman siya agad maisasakay dun... syempre lagi lang siya nasa tabi mo... Lagi mo siya karga panigurado... Ako kasi may crib na pero hindi ko pa naisasakay si baby dun kasi gusto ko nasa tabi ko lang siya... Saka na lang siguro kapag kaya na niyang tumayo or kaya na niyang gumabay saka ko siya isasakay sa crib... Yung ibang baby naman lumalaki ng walang crib... Kausapin mo na lang siya ng maayos and siya na lang tanungin mo kung ano ba ang mas importante para sa kanya... Baka marami kayo gastusin kaya siguro todo tipid siya lalo pat mukhang siya lang ang may work...

Magbasa pa
6y ago

May work po ako. Call center agent, baka nga po tama po kayo. Atleast ngayon mas naintindihan ko na hubby ko. I felt sorry sa hubby ko sa mga nabasa kong advice niyo. Thank you

tips samin ng ibang mga momy *hwag muna dw bibili ng maraming damit ng baby kasi mabilis silang lumaki tsaka m mgbibigay nman dw nyan if ever marami kng friends n mg aanak sa baby mo. *fedding botles,alcohol etc yung gagamitin muna pgka panganak *save ur money hwag muna bili ng bili..expct d unexpcted di p natin alam kung mgkano magagastos sa panganganak. *the rest n mga bilihin like crib,stroler tsaka nlng daw yan pg m sobra sa panga2nak at chck up n baby.. *hwag daw po muna mging excited bka daw mausog 😃😃😃 kaya kmi wala png nabili 4mos n tyan ko pro sa mga 7-8 mos n dw mamili ng frst kit pra k baby 🙂

Magbasa pa
VIP Member

Mommy dont be sad, kasi mabuti yung ginagawa at mindset ng hubby mo, di natin alam kung magkano magagastos nyo pag nanganak ka na, and base on my experience unexpected things do happen. Sa mga things naman ni baby, yung mga needs na muna bilhin at saka wag damihan lalo sa clothes kasi mabilis lumaki si baby, been there done that nagtampo din ako dati kay hubby kasi di nya binili tung newborn set na gusto ko but I realized it was a good thing kasi di pala magagamit ni baby yung iba don. As for the crib, wag na muna po kasi di mo po sya malalapag doon lalo kung breastfeeding ka po.

Magbasa pa

Wag ka magagalit mommy ha, pero sa tingin ko tama lang ang sinasabi ng hubby mo. Yung pagbili ng bike for a 1-year old kid? I think that's unnecessary. Sayang ang pera. Yung crib, kung hindi naman ganun kalaki ang sahod ni mister, wag na lang bumili. Live within your means. Oo, gusto mo ibigay ang lahat sa anak mo. Pero paano kung hindi naman talaga keri? Wag na lang pilitin. Magkaiba kayo ng mindset ng mister mo kaya feeling mo magiging miserable ang buhay mo sa kanya. Hindi ba ikaw ang nagbu-budget ng salary ng hubby mo?

Magbasa pa

momsh baka iniisip lng ng asawa mo ung gagastusin sa panganganak mo. ung crib madali nalang yan pag lumabas si baby. my mga d inaasahan kasi pag nanganganak mas maganda if ready kau. tulad namin ni hubby ang akala namin normal delivery ako ending n emergency cs ako. un mg un dapat talaga pag handaan. D din kami bumili ng crib nung buntis ako. Inuna lng namin mga important needs ni baby n talagang magaganit nya. den after ko manganak saka na kami bumili ng mga gamit ni baby.like crib, bouncer stroller etc.😊

Magbasa pa

para saken wala naman masama sa sinabi ng hubby mo.praktikal lang sya.kasi mahirap kumita ng pera ngayon.mabuti nga sya matipid,at least in times of kagipitan may mahuhugot kayo.hindi kp kase nanganganak sis, may mga bagay na d inaasahang gastos like maCS ka o magkaron ng complications (wg naman sana).siguru ganun lang thinking ng husband mo.at kung sakali, ok na kayo ni baby, pwede naman bilhin na yung crib and other na gusto mo.pag nanganak kn kasi super dame n ng gastos.kaya dpt tlga paghandaan.

Magbasa pa
VIP Member

Practical po si mister momsh. Ang magandang gawin niyo para di ka magtampo is pag-usapan niyo kung anu mga needs ni baby ang ipaprioritize niyo. Sorry po pero tama po yung isang mommy dito na live within your means. Hindi ibig sabihin na dahil kinakaligaya mong mamili ng gamit ni baby ay gagawin mo na. Kung si mr ay malaki naman kinikita na kayang sustentuhan kahit kambal pa ng dinadala mo, go ahead. Pero hangga't maaari magtipid. Kasi pag nawalan kayo ng pera mag aaway din kayo.

Magbasa pa
VIP Member

Lahat tayo mommy gustong iprovide kay baby lahat ng needs nya pero tama nakadepende sa income kasi yung ano lang ang kaya.. advice ko lang maging praktikal, kagaya ko need ko huminto magwork para maalagaan mga anak ko, ang dami dami kong gustong bilin para kay baby, freelance photographer ako so minsan may income, minsan ko lang binibili si baby ng brand new, madalas second hand.. ang mindset ko kapag binili ko ibbenta ko ulit pag hindi na ginagamit para mabalik yung pera.

Magbasa pa

masyado lang tlga nag titipod mister mo, baka kasi naka depende din sa sahod nya every month..ganito nalang sis mag ipon nalang kayo mag asawa then pag nanganak kana dun kana lang bumili ng mga iba pang needs ni baby..for sure makikita nya naman yung mga bagay na need tlga dapat bilhin para kay baby at mismo sya pa mag sasabi nun sayo na bumili ka😊

Magbasa pa

So c hubby pa ata ang nagdadala ng budget. Tama naman c hub mo na wagmuna bi2li pag dpa nman importante. Ok lang pag may budget at nakalaan na pera para dun. Ok lang na gusto mo ibigay lahat ng needs basta ba kaya ng budget nyu o sahod ni hub.