Advice

Pahingi naman po ng advice ! Nalulungkot kase ako, yung hubby ko sa sobrang pagtitipid pinagbabawalan na ako bumili ng mga alam kong needs ni Baby ? Lage niyang sinasabi saken na may MAS importanteng mga bagay kesa sa mga binibili ko. Di pa nalabas yung baby ko pero pinaghahandaan ko na as in. Like mga clothes ganun, one time sabi ko bibili na ako ng crib kase para ready na pero nagalit siya kesyo ang dami pa daw pwedeng unahin kesa dun. Gusto ko lang naman lahat ng kailangan niya maibigay ko para wala ng problema. Kaya tuloy napapakupit ako sa kanya like kunware sa ultrasound ang bayad lang is 350 sasabihin ko 650 para may pangbili ako ng mga needs ni Baby. Then kahapon bumili ang mama ko ng bike para sa kapatid kong 1yr old ang sabi ba naman niya " kita mo yan ? May mga bagay na dapat unahin pero inuna pang bumili ng bike. " Take note nakabili naman ng isang lata ng gatas ang mama ko at mga diapers. Kaya hindi ko alam ang gagawin ko kase nakikita kita ko yung maggng life ko sa kanya ? Kaligayahan ko ang mabigay ang needs ng baby ko pero iba yung mindset niya

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

May mga ganyan talagang lalaki... Wala ka bang work??? Mahirap talaga kapag sa lalaki lang tayo umaasa... How about the salary of your husband??? Hindi ba niya binibigay sayo sweldo niya o hindi ka ba niya pinapartihan??? Bakit kailangan mo pang kumupit sa kanya??? Ang gawin mo na lang... Opinyon ko lang ito ah... Ask mo na lang siya kung ano ang gusto niya bilhin para sa anak niya para wala na lang away... Makakasama pa kasi sa baby mo yan eh... Huwag ka masyado malungkot o mag-isip ng ikalulungkot mo kasi maaapektuhan ang baby mo niyan... Yung crib naman... Hindi pa naman kailangan yun... Saka na lang kapag medyo malaki na si baby... Hindi mo naman siya agad maisasakay dun... syempre lagi lang siya nasa tabi mo... Lagi mo siya karga panigurado... Ako kasi may crib na pero hindi ko pa naisasakay si baby dun kasi gusto ko nasa tabi ko lang siya... Saka na lang siguro kapag kaya na niyang tumayo or kaya na niyang gumabay saka ko siya isasakay sa crib... Yung ibang baby naman lumalaki ng walang crib... Kausapin mo na lang siya ng maayos and siya na lang tanungin mo kung ano ba ang mas importante para sa kanya... Baka marami kayo gastusin kaya siguro todo tipid siya lalo pat mukhang siya lang ang may work...

Magbasa pa
6y ago

May work po ako. Call center agent, baka nga po tama po kayo. Atleast ngayon mas naintindihan ko na hubby ko. I felt sorry sa hubby ko sa mga nabasa kong advice niyo. Thank you