Advice

Pahingi naman po ng advice ! Nalulungkot kase ako, yung hubby ko sa sobrang pagtitipid pinagbabawalan na ako bumili ng mga alam kong needs ni Baby ? Lage niyang sinasabi saken na may MAS importanteng mga bagay kesa sa mga binibili ko. Di pa nalabas yung baby ko pero pinaghahandaan ko na as in. Like mga clothes ganun, one time sabi ko bibili na ako ng crib kase para ready na pero nagalit siya kesyo ang dami pa daw pwedeng unahin kesa dun. Gusto ko lang naman lahat ng kailangan niya maibigay ko para wala ng problema. Kaya tuloy napapakupit ako sa kanya like kunware sa ultrasound ang bayad lang is 350 sasabihin ko 650 para may pangbili ako ng mga needs ni Baby. Then kahapon bumili ang mama ko ng bike para sa kapatid kong 1yr old ang sabi ba naman niya " kita mo yan ? May mga bagay na dapat unahin pero inuna pang bumili ng bike. " Take note nakabili naman ng isang lata ng gatas ang mama ko at mga diapers. Kaya hindi ko alam ang gagawin ko kase nakikita kita ko yung maggng life ko sa kanya ? Kaligayahan ko ang mabigay ang needs ng baby ko pero iba yung mindset niya

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mas naliwanagan na po ako. Salamat po sa mga advice niyo, magsosorry po ako later kay hubby I felt guilty kase lage ako nagtatampo sa kanya 😔 Mali nga siguro ako at tama siya na may mga bagay na mas importanteng paglaanan ng budget.

Baka po may point si hubby mo mommy kng di nmn kaya ng budget wag muna bilhin chaka na pag meron na kung crib nmn po gusto mo wala po ba kyo na pinaglumaan na like ung 1 year old na bata wala po ba siang crib na di na nagamit or ginagamit

Alam ko na naeexcite ka momsh kaya gusto mo na bumili ng bumili pero may point din si hubby mo. Kung hindi naman pasok sa budget yung mga kelangan lang talaga muna dapat bilhin