Advice

Pahingi naman po ng advice ! Nalulungkot kase ako, yung hubby ko sa sobrang pagtitipid pinagbabawalan na ako bumili ng mga alam kong needs ni Baby ? Lage niyang sinasabi saken na may MAS importanteng mga bagay kesa sa mga binibili ko. Di pa nalabas yung baby ko pero pinaghahandaan ko na as in. Like mga clothes ganun, one time sabi ko bibili na ako ng crib kase para ready na pero nagalit siya kesyo ang dami pa daw pwedeng unahin kesa dun. Gusto ko lang naman lahat ng kailangan niya maibigay ko para wala ng problema. Kaya tuloy napapakupit ako sa kanya like kunware sa ultrasound ang bayad lang is 350 sasabihin ko 650 para may pangbili ako ng mga needs ni Baby. Then kahapon bumili ang mama ko ng bike para sa kapatid kong 1yr old ang sabi ba naman niya " kita mo yan ? May mga bagay na dapat unahin pero inuna pang bumili ng bike. " Take note nakabili naman ng isang lata ng gatas ang mama ko at mga diapers. Kaya hindi ko alam ang gagawin ko kase nakikita kita ko yung maggng life ko sa kanya ? Kaligayahan ko ang mabigay ang needs ng baby ko pero iba yung mindset niya

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mommy dont be sad, kasi mabuti yung ginagawa at mindset ng hubby mo, di natin alam kung magkano magagastos nyo pag nanganak ka na, and base on my experience unexpected things do happen. Sa mga things naman ni baby, yung mga needs na muna bilhin at saka wag damihan lalo sa clothes kasi mabilis lumaki si baby, been there done that nagtampo din ako dati kay hubby kasi di nya binili tung newborn set na gusto ko but I realized it was a good thing kasi di pala magagamit ni baby yung iba don. As for the crib, wag na muna po kasi di mo po sya malalapag doon lalo kung breastfeeding ka po.

Magbasa pa