253 Replies
Iniwan nya sakin payroll ATM card nya although di ko din magamit kasi may sariling payroll ATM card din ako. Ang nangyayari tinatransfer nya nalang sa account ko yung buong sahod nya tapos nagtatransfer ako ng allowance nya sa cash card nya... Since gusto nya sya magbibigay ng panggastos sakin at para sa ipon for our Baby, yung sahod ko halos di na nagagalaw. Yun na yung pang emergency funds namin para sa ibang bagay.
binibigay nya po lahat ever since nag-asawa kami. ako na pinagkakatiwala nya magbudget binibigyan ko nlng sya ng baon niya good for 15days. noon di ako makatabi kasi sakto lng sinasahod niya, ngayon medyo lumaki na sahod niya nagtatabi na tlga ako, at iniiwasan narin ang mga bagay na di nman kailangan bilhin, kasi un ang dati nmeng pinagtatalunan, motto namen ngaun ay needs mona bago wants ang priority hehehe...
Lage nya binibigay saken hehe like kanina habang tulog ako bigla nalang nya akong kiniss sa noo tapos nilagay nya sa kamay ko yung sweldo nya hehe. Ket lage ko sinasabi sakanya na "pag pera mo pera mo, pinaghirapan mo yan kaya sayo yan" kaso he knows the rules talaga of a husband 🤗 Lahat ng sweldo nya binibigay nya sakrn. Hihingi nalang sya saken ng pera if may gusto syang bilhin ☺
binibigay niya lahat ng pera sa akin 80k monthly tapos hihingi lang siya pangastos niya like may order siya sa shoppee. lumalabas ako kumahawak ng pera pero siya gagastos nun kase di ako lumalabas ng bahay. like groceries pag kain namin araw-araw tapos pag may tera pera yun napupunta ipon ko. ayuko kase makialam sa pera dhil may work din ako dati tumigil lang ako kase nabuntis ako.
pagsahod niya budgeted na niya sakin, lahat ng gastos sa bahay nasakin pati sa anak namin, tpos ung allowance nia allowance niya, ako okay lng wla akong allowance pra sa sarili atleast kumakaen nmn ako araw araw, tska tuwing pasko nmn dun siya bumabawi sa allowance ko kahit anong gsto kong bilhin ibibigay niya. mas okay n din ung di kayo nagtatalo sa pera para walng sumbatan. 😉
knya kanya kmi ng pera since pareho kmi my work pero may mga byarin kmi n hati tlga kmi ska s gmit ni baby hati o kng kaya ko naman ako nlng. ska minsan kng may gusto ako ipabili ok lng dn nmn s knya hndi nmn mahirap kausap c hubby ko s pera lalo n pag meron sya extra money . honest nmn sya lng wla n sya budget tpos humiling ako n byaran nya ung order ko s shopee hehe
Halos lahat ng sahod nya binibigay nya sakin kahit nung may trabaho pa ako..tapos ako na bahala sa lahat ng gastos😊nag iiwan lng sya allowance nya for the whole month kasi pag ofw 1 beses lang kada buwan sumahod..nakakalungkot man kasi di kami magkasama kaso no choice pag dito sa pinas di talaga sapat ang sahod kung simpleng employee ka lang😊.
si hubby ko, sahod nya is sahod nya. sahod ko sahod ko. pero sya gumagastos para sa needs naming dalawa. he is very responsible husband wala akong masabi. Sya gumagastos sa needs ko ngayon buntis ako. hindi nya ako ino obliga. minsan nga nahiya nako at nagsabi ako sa kanya na kung need nya ng tulong pero ang sabi. responsibilidad nya kami kaya im thankful ❤
saken bigay lahat ni hubby,tapos ako nalang yung magdedecide kung magkano yung ibabalik ko sknea para budget niya for another 15days bago sya sumahod,ako kasi ngbudget e,medjo mahirap s part ko kasi basta nabigay nya na sken,ako na bahala,masakit sa ulo lalo n naun pandemic naipon ang bills and jn savings namin naubos pero so far naman kinakaya,
Hawak nya lahat ng pera since sya naman may work, nag bibigay din sya paminsan minsan sa parents nya pero sinasabi nya sakin. then di sya pabaya sa grocery and other needs namin, pag may gusto ako sinasabi ko lng sakanya tapos nagbibigay naman agad sya lalo kapag mejo nakaka luwag luwag or pag may naka tago syang cash (mostly kc nasa atm lng pera)
Sheena Mae Batiquin