Sahod ni mister

Pag sahod ba ni partner bnbgay na agad sainyo ng buo? O binibigyan lang kayo ng allowance? Kapag may pera kang naitabi, binibigyan kapaba ng partner mo ng pera?

253 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

pag sahod nya, yes. binibigay nya ng buo. then ipapa budget nya sa akin. sa budgeting ko, hinihawalay ko na ung for bills, baby, foods and allowance nya. then kung ano ung allowance nya un lang yung ibibigay ko sakanya. kapag may pera akong naitabi for us, binibigyan nya pa rin ako. kasi ung naitabi naming pera for us din naman. pang eat out namin, or pang shopping namin sa bahay, pang future travel.. ung binibigay nyang separate like for me talaga. kung ano daw gusto ko bilhin sa sarili ko :) pang shopee, ganon hehe lahat binibigay ng mister ko. kaya ang ginagawa ko. sa budgeting ko, pinagtatago ko sya ng savings para sa sarili nya. pinagiipon ko sya para sa sarili nya ng di nya alam. ngayon sinabi ko na sakanya nakabili sya ng para sa sarili nya tuwang tuwa hehe

Magbasa pa

Nung una kami nag sama bnbgay nya saakin buong sagud peru diko tinanggap, 10yrs together d ko pnkikialaman sahud nya, magaling sya mag buget at nakkasadya pa kmi ng gamit sa bahay at my ipon pa so.. bat ku pa kukuhain😊kung nggawa at n bubuget nmn nya ng ayus, my work ako peru nag stop bcoz of pandemic. peru kaya nmn pala hindi man ganun ka ranya unlike pa me work ako n halos gusto ng anak ko nbbgay ko Jollibee dto mcdo doon toys dto toys doon. now ntutu sya na pag wala wlaa pag bawal bawal very understanding syang bata napakabait. Ganun din ako.pag naman my extra pera sya or wla msyadong kaltas pambayad bahay nag bbgay sya kusa hindi ako humingi basta d importanti, cguro na aappricte nya un kaya nag kukusa syang bigyan ako at buget ng bata pang shop n gusto nya.

Magbasa pa

No.. Nagwowork pa din ako kahit buntis ako.. Yung sahod ng partner ko sa kanya pa din kc may family pa din xang sinusupportahan. Ako naman nagshashare sa bahay namin.. Like ako nagbabayad ng kuryente nagaambag sa bigas at xa naman sa ulam kc sa bahay ng parents ko kami nakatira. And maayos naman ung share namin kaya walng problema. Nakabudget din kami. Like kung sino sa grocery ano ung mga bayaren. Pero pagdating sa savings lagi kaming meron dapat kc para sa baby un and para sa panganganak ko in case my need kami bayaran.. Also nasa mindset ko na kasi na as long as nagwowork ako ndi ako mangingielam sa pera niya. Even tho alam ko kung magkano sinasahod niya at alam niya magkano sinasahod ko open kami kc nga may budgeting na need gawin..

Magbasa pa

Sana all binibigay sahod. 10 years na kami. 7 years kasal. Hindi ko pa naransan mabigyan ng sahod. Siya naman gimagastos s lahat. Sya din naggrocery. Siya din nagdedecide s lahat. Noong binata p daw sya lahat ng sahod niya binibgay nya sa mother in law ko. Pamasahe lng naiiwan s knya. Ewan ko ba. Matipid naman akong tao, baka nga kung ako humawak ang laki n siguro ng ipon nmin. Hay. Hindi ko alam kung magkano sinasahod niya. May business din kmi, tinutulungan ko sya, pero lahat ng kita monitor niya. Hinayaan ko n lng. Darating din ang panahon kapag malaki na anak ko, babalik ako sa pagttrabaho at kikita rin ako.

Magbasa pa
4y ago

tama po mamshie work nlng po tayu pag malaki na baby natin mas maganda talaga kasi pag sarili natin pera ginagamit natin

Nagresign ako mula nung nabuntis ako. Di ako sanay tuloy ng walang sariling pera at umaasa sa sahod ni hubby. hahahaha Pero binibigay naman niya lahat ng needs ko lalo sa pagbubuntis ko and siya rin nagproprovide ng monthly allowance ng mga parents ko na dati ako nagbibigay nung nagwo-work pa ako. Kaming dalawa nagbubudget ng sahod niya pero siya pa rin naghahandle nito dahil mas magastos ako 😅 Hindi rin ako humihingi ng allowance kahit willing siya magbigay kasi baka saan saan ko lang magastos, humihingi na lang kapag may super need akong bilhin. 🙂

Magbasa pa
VIP Member

Magjowa pa lang kami we invested sa isang negosyo.. May sasakyan na kaming hinuhulugan at bahay... Pero salary nya never kong timanong o hinawakan.. Nung kinasal kami may access ako sa sahod nya pero hindi ko nmn ginagalaw.. Since yun na yung form ng ipon namin.. Lahat kasi ng in and out nanggagaling sa negosyo namin.. Nafeel ko kasi kung kukunin ko pa sinasahod nya bka mawalan n sya ng sense of fulfilment.. Depende sa asawa tlga yan.. Kasi ako nmn may hawak ng online banking nun.. Nachecheck ko from time to time db.. Hehehhe..

Magbasa pa

Sa kanya lang pera niya. pero lahat ng needs ko binibigay niya. lahat ng kailangan namin sa bahay including foods siya ang nagpprovide. so I don't mind him holding his own salary. humihingi lang ako pag may lakad ako na di ko siya kasama o kung may gusto akong bilhin habang wala siya. :) wala kasi akong trabaho coz I chose not to work while bearing our child. And I don't mind having no pocket money kasi di ko naman na kailangan yun since siya naman na nagbibigay at bumibili ng lahat :)

Magbasa pa

ung hubby ko pag nasahod bigay tlga lahat.. tpos ako na nag bubudget.. ung ipon nman nmin pareho kming nakaka alam kng mag kanu na.. wlang taguan ng pera samin kahit sya lng nag wowork kc buntis aq... mabaet nman asawa ko at hndi sya makwenta sa pera, tska lahat nman ng ginagastos cnasabi ko sa kanya para naiinform dn xa kng bkt ganun na lng ang natira... very open kami sa isat isa hehehe.. un tipong pag may bibilhin sasabihin pa para alam dn ng isat isa..

Magbasa pa

Kasama pa namin ngayon sa bahay yung ate ni mister, boyfriend ng ate ni mister tsaka daddy niya. Maliit yung sahod niya (government) kaya pag sumasahod siya hindi ko man lang mahawakan. Nakatoka kasi kameng mag asawa sa food for each month ng bahay. Lahat ng gastos sa check ups at needs ko as a preggy eh galing sa commissioned works ko tsaka sideline niya. Nakakalungkot pero kelangang umalis ni mister sa trabaho kasi hindi talaga sapat ang pay sa government.

Magbasa pa

allowance lang binibigay nya for one week kc malau work nya day off lng cya nasa bahay pero pag nandto cya sabahay kahit ano pwedi ko bilhin at kumokuha pa ako ng extra money sa wallet nya, since kc nag sama kme cya na nag babudget gastador kc ako kaya takot ako hawakan sahod nya, kahit nung nag wowork ako cya din pinapahawak ko ng atm ko humihingi lang ako ng allowance tyaka extra pag may gusto ako bilhin, nasanay nalang😇😇😇

Magbasa pa