Sahod ni mister

Pag sahod ba ni partner bnbgay na agad sainyo ng buo? O binibigyan lang kayo ng allowance? Kapag may pera kang naitabi, binibigyan kapaba ng partner mo ng pera?

253 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi ko pinapakialaman ang pera nia, humihingi lang ako pag my kailangn and hati kami sa mga bayarin..although sia kasi wla nmn reaponsibilidad financially., unlike me ngbbgay s mama ko..pero super masinop sia sa pera,ako mjo magastos πŸ˜‚never ako ng demand sknya kht sa 7 years na mg jowa pa lng kmi πŸ˜… tpos mg 3 years na kming kasal..

Magbasa pa

Wala namang binibigay si bf sa akin. Buti nalang nakawork from home ako kahit papano nakakasurvive sa hirap ng buhay ngayon. Kahit pang snacks ala din. :( Pero i tried to understand him kasi naghahanap pa sya ng work. Hopefully next month, may work na siya dahil nabanggit nya na nagpaprocess sya nh requirements for his new work daw.

Magbasa pa
VIP Member

binibigay nya allowance ko at kailangan ni baby pro pinapakita nya muna ang payslip nya saken khit di ko naman hinihingi..then tatanong nya anung kailangan ko pang bilhin..ayoko kc ung hihingin ung lahat ng sahod ng asawako tas ako magbibigay ng pera nyang allowance..syempre may gusto din bilhin mga mister naten...😊😊😊

Magbasa pa

sakin binibigyan lang ako ng 4k everyy sahod pang savings sa bday at binyag ni baby. the rest ng sahod niya binibigay sa nanay niya! kaya feeling ko hindi ako yung asawa niya. hays mag 1 year na kami ganito simula nag buntis ako. hindi niya na ko pinag work simula nagbuntis ako tas full time ako nag aalaga sa anak namin.

Magbasa pa

Binibigay nya sakin ng kusa. Kasi kapag daw nasa kanya ang pera siguro daw wala kaming ipon hehehe. Magaling daw ako mag budget eh no big deal sa kanya ang pera at sakin din. And kapag may gusto sya bilhin sinasabi nya lang sakin then kuha lang sya sa pera namin. Ang pera ko at pera ng asawa ko nasa iisang lagayan lang.

Magbasa pa
VIP Member

parehas kaming working pa kaya kanya-kanya kami ng pera. Pero sya binibigyan nya ko ng extra pang-top up ko sa ShopeePay at LazWallet πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ Pero pagdating sa savings, parehas kami nagtatabi esp. now para sa panganganak mas malaki nga lang vontri nya gawa nanag mas malaki sahod nya pero okay lang sa kanya.

Magbasa pa

nagbibigay kapag feel nya, minsan 70 pesos pambili ko daw ng mga gusto kong kainin 😝 hindi ko rin alam magkano sahod nya kasi naiirita sya pg nagtatanong ako, ayaw nya kong makialam. hinahayaan ko nalang ayokong mag away dahil sa pera, pag ako makakaraos na hindi na ako mag iistay. Sacrifice muna sa ngayon.

Magbasa pa
4y ago

kaya natin to mamsh😊😊😊

Binibigay nya po lahat, gusto nya nga po ako mag wiwithdraw. Sasamahan nya lang ako, tapos tatanungin nya na po ako kung anu gusto ko kainin o bilhin. Tapos yung matitira po pang budget na namin and savings. Ayaw nya po kasi sa lahat yung mag away kami tungkol sa pera, malas daw po kasi sa kabuhayan❀️

Magbasa pa

di namin kinukuha sahud ng bawat isa pero pag may sahud sinasabi naman nya magkano sahud nya at syempre ako din. live in partner pa lang kami and we know the budget sa bahay. Before kami nagsama we already knew our responsibilities kaya siguro okay lang na di na kelangan na ibigay nya sahud sa akin for now.

Magbasa pa

Married kami so we both own everything. Nandyan lang ang money at bank accounts namin for access ng both. Pero husband ko since students pa lang kami, sakin na niya pinahawak allowance niya, magjowa pa lang kami nun. Since nagwork siya, not a day na hawak niya atm niya. Best provider si husband