Tawag sa mother ni partner

Okay lang ba na tita pa rin tawag ko sa mama ng partner ko? 5 months na po baby namin ng partner ko and nung tinawag kong tita yung mother nya nung nasa center kami, sabi ng mga nandon dapat daw mama na tawag ko sa kanya. Tbh kasi parang di pa ko ready na tawagin syang mama kasi di pa kami kasal ng anak nya (oo alam ko di pa rin kami kasal nung nakabuo kami πŸ₯Ή). Tsaka di ko rin alam kung pwede na sa kanya na tawagin ko syang mama. Ngayon tuloy pag may mga gathering dito sa bahay, di ko alam kung tatawagin ko syang mama o tita kaya nakikisuyo na lang ako sa kapatid ng partner ko

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nung nabuntis ako, sinabihan na ako ng MIL ko (di pa kami married) na tawagin na syang Mama pero nahihiya pa ako nun kasi nga di pa din naman kami kasal ng hubby ko that time, kaya Tita tawag ko sa kanya. Pero ngayong married na kami Kahit thru chat tinatawag ko syang Mama. Tapos sinanay din ako ni Hubby na Mama ang tawag namin sa mama nya pag nag uusapan kami about sa side nya ganun. sguro kay hubby mo iopen mo din. sabihin mo mejo nahihiya ka pang tawagin mama ang mama nya baka sakali sya ang gumawa ng way. kung di ka naman comfortable, Tita is fine naman na. ☺️ Basta pakita mo lang na anjan ung respect mo.

Magbasa pa

Much better if gumamit ka ng salitang may respeto kagaya ng Mama , Nanay o Ina kahit hindi pa kayo kasal . Tandaan mo magulang siya ng partner mo . Pangalawa mo na silang magulang . Hindi mo kailangang mailang sa pagtawag lalo na't sila ang Lolo at Lola ng inyong anak . Magkaharap man kayo o hindi tawagin mo siya /Sila sa naaayong paglevel sa kanila . I-ignore mo ang salitang hindi ka komportable , makakasama mo na habang buhay at parte na sila ng buhay mo . Respeto ang tawag doon Mommie ☺️ SHARE KO LANG NAMAN ❀️

Magbasa pa

Ako nga na kasal na hindi ko matawag na mama 😁 di kasi ako kumportable.. Pag kausap ko asawa ko sinsabi ko lang uy ung mama mo.. Basta di ko matawag na mama.. Pag tita din hindi ko na nababanggit kasi ang awkward lang na tita pa itawag ko.... Pag sa mga anak ko naman kausap ko ang binabanggit ko lola.. Wala din namang sinabi byenan ko na tawagin ko syang mama... Para sakin kasi mas maganda kasi kung mismong nanay ng asawa mo mag initiate kung ano man gusto nya tawagin mo sa kanya.

Magbasa pa
1y ago

Hahaha parehong pareho tayo. Wala din ako tawag kaya sinasabi ko sa partner ko mama mo/papa mo πŸ˜‚ di pa rin kase kami kasal at nakakailang talaga lalo na’t di naman sila nag sasabi na o ganito na dapat tawag mo sakin. Diba hahahaha

depende kase yan sa mil mo. If comfortable ka kasama sya comfortable ka rin na tawagin syang mama or nanay kase ako nung jowa days tlga tita rin unang tawag ko, Nang may baby na kme at nag move in na kme sknla since lahat sila sa bahay is nanay ang tawag nanay narin ang nakasanayan ko plus napaka bait lng tlga at comfortable akong kasama sya kaya nanay na tlga tawag ko.πŸ˜…

Magbasa pa

Mama na address ko s knya eversince ,pag naguusap kami ng partner ko. pero never ko sya natawag na mama ng harap harapan nahihiya pa kasi ako nun, tapos sabi sa akin later on bakit di mo kami tinatawag na mama or papa? since then naging comfortable na ako tawagin silang mama and papa πŸ’™ so blessed with my inlaws, tunay na anak ang turing sa akin πŸ’™

Magbasa pa

much better po kung mama na rin po tawag mo sa byenan mo, kasi anak nya yung asawa mo so the other side is parang anak ka na rin nya, and wala namang mawawala at hindi naman masama kung tatawagin mo syang mama o nanay isa pa kasi merong na kayong anak may apo na sya sainyo so parang ang awkward naman po kung tita pa din tawag mo sakanya.

Magbasa pa

same haha hndi ko dn matawag na mama. kapag kausap ko dn husband ko ssabihin ko lagi may mama "mo". haha di dn kasi kmi close byenan ko kase busy lagi sa eatery nya lagi wala dto sa bahay nla hahah. saka d ako ready magsabi ng mama kasi pinagpalit kami ng mama ko ang awkward pra sakin magsabi ult ng mama hahahah

Magbasa pa
VIP Member

whenever you're ready. hindi naman kasi sila mag sasalita kapag ganyan. hehe. pero swerte na lang din kung kapareho ng mama ng asawa ko. by the time na nalaman na buntis ako then tita pa din tawag ko sa kanya sya na mismo ang nag sabi sakin na mama na lang itawag ko sa kanya

Mas ok po tawagin mo na syang mama kase dun din punta nun once kasal na kayo ng partner mo. 7mons preggy na ako at di rin kami kasal ng asawa ko pero mama na tawag ko sa biyenan ko since saknila na ako nakatira. Tinatawag nya rin akong β€œanak” kaya mama tawag ko hehehe

wer at same situation sis kaht na sabi ng mama niya na mama na itawag ko sa kanya ilang pa din ako at di komportable kasi di pa din nmn kmi kasal parang auq din nmng tawagin siyang mama dahil lang nabuntis na ako .. hanggat maari gusto ko pag legal na talaga kmi .. 😊