Tawag sa mother ni partner

Okay lang ba na tita pa rin tawag ko sa mama ng partner ko? 5 months na po baby namin ng partner ko and nung tinawag kong tita yung mother nya nung nasa center kami, sabi ng mga nandon dapat daw mama na tawag ko sa kanya. Tbh kasi parang di pa ko ready na tawagin syang mama kasi di pa kami kasal ng anak nya (oo alam ko di pa rin kami kasal nung nakabuo kami 🥹). Tsaka di ko rin alam kung pwede na sa kanya na tawagin ko syang mama. Ngayon tuloy pag may mga gathering dito sa bahay, di ko alam kung tatawagin ko syang mama o tita kaya nakikisuyo na lang ako sa kapatid ng partner ko

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mas ok po tawagin mo na syang mama kase dun din punta nun once kasal na kayo ng partner mo. 7mons preggy na ako at di rin kami kasal ng asawa ko pero mama na tawag ko sa biyenan ko since saknila na ako nakatira. Tinatawag nya rin akong “anak” kaya mama tawag ko hehehe