Apelyedo ni baby

Mga mii buntis ako 4months tapos di pa kami kasal ng partner ko, ngayon gustong mangyari ng mama ko apelyido ko daw gagamitin pag nakalabas na si baby, balak naman namin magpakasal ng partner ko kaso sa ngayon si baby muna pagiipunan namin. Di ko pa nga nasasabi sa partner ko kasi ayokong magalit siya sa mama ko. Sinabihan ko naman mama ko na apelyedo ng partner ko dapat kaso sabi niya pakasal daw muna kami. Darating naman kami sa puntong yan pero di pa sa ngayon. Naeestress tuloy ako.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

As long as acknowledge po ni mister si baby kahit hindi pa po kayo kasal pwede na po isunod sa apelyedo ni mister para na dn po hindi kayo mahirapan sa pagpapalit ng apelyedo ng bata once kasal na po kayo. Sabihin lng po ng maayos sa mama nyo po... at the end of the day nasa sa inyo pa din pong mag asawa yung final decision.

Magbasa pa

dagdag gastusin at intindihin pa ung pagpapalit ng surname ni baby pag kinasal kayo

2y ago

kaya nga po eh,yun din po iniisip ko. pero 4sure di papayag partner ko sa gusto ng mama ko.