Tawag sa mother ni partner

Okay lang ba na tita pa rin tawag ko sa mama ng partner ko? 5 months na po baby namin ng partner ko and nung tinawag kong tita yung mother nya nung nasa center kami, sabi ng mga nandon dapat daw mama na tawag ko sa kanya. Tbh kasi parang di pa ko ready na tawagin syang mama kasi di pa kami kasal ng anak nya (oo alam ko di pa rin kami kasal nung nakabuo kami 🥹). Tsaka di ko rin alam kung pwede na sa kanya na tawagin ko syang mama. Ngayon tuloy pag may mga gathering dito sa bahay, di ko alam kung tatawagin ko syang mama o tita kaya nakikisuyo na lang ako sa kapatid ng partner ko

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Much better if gumamit ka ng salitang may respeto kagaya ng Mama , Nanay o Ina kahit hindi pa kayo kasal . Tandaan mo magulang siya ng partner mo . Pangalawa mo na silang magulang . Hindi mo kailangang mailang sa pagtawag lalo na't sila ang Lolo at Lola ng inyong anak . Magkaharap man kayo o hindi tawagin mo siya /Sila sa naaayong paglevel sa kanila . I-ignore mo ang salitang hindi ka komportable , makakasama mo na habang buhay at parte na sila ng buhay mo . Respeto ang tawag doon Mommie ☺️ SHARE KO LANG NAMAN ❤️

Magbasa pa