Any advice pano umamin sa parents na buntis ako? please need help im 1st yr college.
Depende cguro sa magulang. Ako pinalayas ako. Pinapagaral ako ei maaga lumandi . Maaga naging mapusok. Todo pakangkang si gaga nong nabuntis iyak malala. 😂 buti nalang may work BF ko at di na estudyante kagaya ko. mahirap pero kinakaya naman. Pero kung maibabalik ko lang, magpapabuntis padn ako syempre pero pagnaka graduate na ko at may work na. Mas masarap mag aral kesa mamroblema san kukuha pang gastos . Lalo ngayon sobrang mahal ng bilihin. At sobrang hirap pag wala kang magulang na pwdng takbohan. Literal na bahala ka sa buhay mo. Haha. But sabi nga nila nasa huli pag sisi at sa buhay walang take 2 kailangan mo lang tatagan at labanan. Di kana pwd sumuko kc may anak kana at di nya ginusto na mabuo sya kasalanan ko yon naging malibog ako sa maling panahon 🤣 kaya laban lang. Para sa anak. Makakaraos din tayo.
Magbasa paHi dear, I know its hard for you to let your parents know the truth. But look in the bright side kasi if you’ll tell it to them late na magkakaroon sila ng thoughts bakit mo tinago sakanila yung pregnancy mo. Whether legal or hindi kayo ng partner mo, your parents has the right to know kasi anak ka nila. If you’re stress right now, what more kapag hindi mo sinabi. Your parents will surely take care of you kahit ano pa masabi nila because thats what the parents do kapag nagkamali anak nila. Normal lang madisappoint pero yung magtatago ka masakit yun sa parents mo especially your mother. Gather yourself for a moment then tell it to them straight. Its difficult pero makakaluwag rin yan sa pakiramdam. Bawi ka sa naging shortcomings mo and be a better mom sa baby mo. ❤️
Magbasa paHello, we're same lng po ng situation now I'm four months pregnant. don't be scared na magsabi po sa kanila and also mas maganda kasama yung daddy ng baby mo para mapag usapan po ng ayos. Yes sa una magagalit sila and anong sasabihin nila yan ung naranasan ko I'm crying for a week pero kinausap nila ako then naging maayos na usapan namin about my baby na alagaan ko lng sarili ko and panindigan ng daddy neto ung bata so I hope na maging ganito din ang parents mo sayo kasi anak ka padin nila. Ang sabi saken ng mother ko don't be scared na sa kanila kasi sila at sila din ang malalapitan ko lalo na kung manganganak ako😊 hanap ka lang ng tamang time to say that to them ako ginawa ko nilabas ko lng si mommy kumain kami then I show her ung positive pt ko tsaka namin kinausap family ko about dun😊
Magbasa pamomi/dadi may sasabihin po ako sainyo. buntis po ako. --kung ano man sagot nila dun mo na maisip ung kasunod. be sincere and tatagan mo loob mo. the sooner the better. naalala ko dati nagsabi ako sa momi ko naiyak ako kc iyakin ako, pero bukod dun ayoko madisappoint xa at dami nya pa gusto para sakin like mag abroad etc.. sabi lang nya sakin ginusto ko daw un.. then d ko lang nagustuhan itsura nya. then nawala baby ko 6days lang xa pagkapanganak ko..after awhile narealize ko hndi pla ko dapat umiyak nun umamin ako sa momi ko. panindigan ko at buhay ko to. anu naman kung madisappoint cla, andun na tyo sa nagsorry tyo sa parents pero after nun dapat mas ingatan ntn sarili ntn for our baby and future family. mas maging responsable tayo. kaya lakasan mo lang loob mo.
Magbasa patyempo ka lang din na malalamig ulo nila. ako kasi tinaon ko na mga nakahiga sila sa kama nagawa ng tulog pero di naman sila pagod kumbaga nap time lang talaga. medyo nagtatawanan sila noon, sabi ko... nay tay pwede ko po ba kayo makausap? napakabihira ko magsalita o first time yun na tinawag ko sila for a talk haha.. sabi agad ng nanay ko.. oo naman, bakit? mag aasawa ka na ba?? so ako nabigla kung alam na ba.. sabi ko parang ganoon na nga po.. sunod na tanong sakin, bakit mag aasawa ka na? kilala ba namin yang lalaki? o baka naman buntis ka na. sabi ko opo 3mos na. iyakan na yun habang inaalam nila kung sino. nung nalaman na nila kung sino ang tatay ayun lalo umiyak, di nila akalain na yun e. pero ngayon nan maayos na ang lahat, tanggap na ng bawat isa.
Magbasa paoo naman. magagalit talaga pero pasasaan ba mawawala din. di lang ikaw ang nagkaganyan. basta panindigan nyo mga magiging desisyon ninyo. mauunawaan nila kayo. ganoon magmahal ang mga magulang.
Best advice is before kayo magsabi sa parents niyo, magusap kayo ng bf mo like saan kayo kukuha ng funds sa check ups, sa panganganak, plans while you're pregnant if you will continue your studies or one of you has to work kasi hindi mo pwedeng ipakargo sa parents niyo yung gastos and responsibilities as a parents. Dapat from your pocket gagamitin niyo sa panganganak at sa whole journey ng pregnancy mo. Then after that kung my concrete kayong plans that's the time na magsabi kayo both sides. Not from the ate or kuya or sa tita or tito. Kailangan sa kayo mismo magsabi from your own mouth. And be responsible parents kasi sa totoo lang kawawa ang parents pag maaga nabuntis or nag asawa ang anak ng hindi financially stable ang mga anak nila.
Magbasa paalam na ba sa father side ni baby? kasi dapat sana kahit paano alam na ng parents ni bf at may mga plans na kayo like papanagutan ka ba, mag aaral ka pa din ba, saan kayo kukuha ng funds, saan titira, ikakasal ba, mga ganong bagay kasi ang worries ng parents.. kung hindi ba maaargabyado ang anak nila lalo na babae ka buntis ka hindi ka basta basta ibibigay sa bf mo dahil lang buntis ka. para sakin ha, better alam na ng parents ni bf kasi pag uusapan yan both sides. baka laloa upset parents mo kung yung guy di mapagtapat sa parents nya situation ninyo, meaning he's not yet ready. dapat kung paninindigan ka nya umpisahan nya na sa pagsasabi sa parents nya.
Magbasa paas of now po hindi pa din alam sa side ng bf ko pero may mga plano na po kami talagang humahanap lang ng tamang timing
baka may mga ate ka or tita na mapapagkatiwalaan mo or makakatupong sayo magsabi, better you have back up kasi di natin alam ano magiging reaction ng parents mo, mabuti yung may magpapakalma sa kanila kasi kung ikaw lang baka iyak ka lang ng iyak, mga plans mo di mo masabi. dika nila mauunawaan kung dika makapagsalita. mag iiyakan lang kayo nyan. better may kasama ka na totoong concern sa situation mo ha. ganyan kasi ako before, tho end up mag isa ako nagsabi, nung humandusay nanay ko sa pag iyak tinawag ko mga tita ko at alam na nila dapat gawin, ate ko naman ganoon din. basta mga totoong tao sa pamilya nyo ha. hindi mga marites lang ng baranggay 🤣
Magbasa payun din po sana ang gusto ko na ipaalam muna sa ate ko pero hindi po kami mag kakasundo ng mga kapatid ko kaya wala po akong lakas ng loob na umamin sakanila☹️
nakakatakot pero kaya mo yan. pinagdaanan ko din yan tho may work na ako nun kaso ang partner ko hiwalay lang at may anak na. 😅 mas galit sila pero ngayon todo support samin lalo ngayon buntis ako sa pangalawa namin. lokong loko din sila sa panganay ko laging miss na miss 😍😍 very unconditional ang pagmamahal ng parents sa mga anak, magagalit sila at masasaktan pero huhupa din. maiintindihan mo yan paglabas ng baby mo. good luck. don't stress yourself, stress them.. charot lang 😘
Magbasa pami, be ready if magagalit sila. first year college ka e studying, ang pag-amin ganito, kuha ka pt pakita mo sa kanila, mahirap itago yan kaya hangga't maaga masabi mo na kasi need mo ng check up, mahalaga ang 1-4 months ng check up dyan kasi mabubuo si baby, wag mo na intindihin if magagalit or no ang importante, makapagpacheck up ka after mo masabi sa kanila. saka maaayos mo pa mga sss mo or philhealth kasi need yan for panganganak
Magbasa pa