Any advice pano umamin sa parents na buntis ako? please need help im 1st yr college.

26 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

tyempo ka lang din na malalamig ulo nila. ako kasi tinaon ko na mga nakahiga sila sa kama nagawa ng tulog pero di naman sila pagod kumbaga nap time lang talaga. medyo nagtatawanan sila noon, sabi ko... nay tay pwede ko po ba kayo makausap? napakabihira ko magsalita o first time yun na tinawag ko sila for a talk haha.. sabi agad ng nanay ko.. oo naman, bakit? mag aasawa ka na ba?? so ako nabigla kung alam na ba.. sabi ko parang ganoon na nga po.. sunod na tanong sakin, bakit mag aasawa ka na? kilala ba namin yang lalaki? o baka naman buntis ka na. sabi ko opo 3mos na. iyakan na yun habang inaalam nila kung sino. nung nalaman na nila kung sino ang tatay ayun lalo umiyak, di nila akalain na yun e. pero ngayon nan maayos na ang lahat, tanggap na ng bawat isa.

Magbasa pa
1y ago

oo naman. magagalit talaga pero pasasaan ba mawawala din. di lang ikaw ang nagkaganyan. basta panindigan nyo mga magiging desisyon ninyo. mauunawaan nila kayo. ganoon magmahal ang mga magulang.