Any advice pano umamin sa parents na buntis ako? please need help im 1st yr college.

26 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

baka may mga ate ka or tita na mapapagkatiwalaan mo or makakatupong sayo magsabi, better you have back up kasi di natin alam ano magiging reaction ng parents mo, mabuti yung may magpapakalma sa kanila kasi kung ikaw lang baka iyak ka lang ng iyak, mga plans mo di mo masabi. dika nila mauunawaan kung dika makapagsalita. mag iiyakan lang kayo nyan. better may kasama ka na totoong concern sa situation mo ha. ganyan kasi ako before, tho end up mag isa ako nagsabi, nung humandusay nanay ko sa pag iyak tinawag ko mga tita ko at alam na nila dapat gawin, ate ko naman ganoon din. basta mga totoong tao sa pamilya nyo ha. hindi mga marites lang ng baranggay 🤣

Magbasa pa
1y ago

yun din po sana ang gusto ko na ipaalam muna sa ate ko pero hindi po kami mag kakasundo ng mga kapatid ko kaya wala po akong lakas ng loob na umamin sakanila☹️