Need ko po advice!
1 month postpartum po ako at naiirita na po talaga ako sa lip ko. Actually 5 months preggy palang ako nawala na po talaga yung love ko sa kanya at may malalim na dahilan yun. At ngayon gusto ko sana makipag hiwalay, wala rin namn syang ambag sa bata kasi kahit sweldo nya sakto lang bayad sa utang at motor nya. Hindi rin sya marunong mag alaga or pumalit man lang sa pag babantay kahit pag change lang ng diaper ni lo. At nag naiirita rin ako sa kanya kasi kung makautos na kailangan ko na mag laba kasi marami na ako labahan, akala mo wala akong batang binabantayan. Nag ask nga ako sa kanya na kung pwede ba ipasok sa washing yung mga labahan kasi nagpapa dede pa ako, sinabi nya lang hindi sya marunong binagyan na nga ng instructions. Kung maka reklamo rin na makalat, alam nya naman na ayaw magpalapag ng anak nya kaya hirap ako sa pag galaw at wala akong masyadong tulog kasi wala akong kapalit sa pag babantay kundi ako lang mag isa. Pagod na talaga ako pati isip ko. Minsan nalang gusto ko nalang syang tadyakan pag nakikita ko sarap ng tulog nya, ni hindi nga gumigising kapag umiiyak anak nya. Gusto ko na makipag hiwalay sa kanya. #pleasehelp #advicepls #1stimemom #firstbaby
Anonymous