Irritated,lost of interest

Need ko po advice! Bukas 3 weeks na po after ko manganak, madali po akong mainis sa lahat ng tao ( except kay LO ko) lalo na sa LIP ko. Noon pa po nag bubuntis ako at nag sumbong ako sa kanya na nanunumbat na nagpaparinig sakin mama nya tapos pinagtanggol nya mama nya at sinabing ako ang problema kasi pinag iisipan ko ng masama magulang nya. Sinabi ko rin sa kanya noon buntis ako na aalis ako sa kanila baka hindi kayanin ng utak ko at baka bumigay ako pero para naman wala syang paki sa mental health at peace of mind ko noon. Doon na po ako nawalan ng gana , gustohin ko man makipag hiwalay pero buntis ako noon. Ngayon nanganak na ako naiirita ako sa kanya, lalo na kapag pinagsasabihan nya ako which is alam ko naman ginagawa ko sa anak ko. At siya kailangan nya pa tanungin mama nya sa lahat ng bagay about sa baby na kinaiirita ko rin. Trabaho po sya pang gabi, uwi ng umaga ako pa maghahanda kakainin namin ako rin mag liligpit at pinapaligpit nya minsan ,ako mag liligo kay baby, alam ko naman na wala pagod sya sa trabaho. Tapos matutulog napo sya. Ako rin naman po puyat kakabantay kay baby pati sa umaga walang tulog . Naglalaba rin ako ng damit ni baby at samin. Nababantayan nya lang si baby ng 1-5 mins. Hindi rin sya tumutulong sa pag palit ng diaper ni baby ni ising beses. Gusto ko dumalaw sa pamilya ko kasama yung baby ko pero hindi nya ako pinapayagan kasi malayo daw i 15-20 mins lang naman yung byahe. Pero gusto nya pumunta kami sa kanila na 2-5 mins lang ang layo. Nag dadalawang isip rin ako i apelyido sa kanya anak ko. Bf po si lo ko. #pleasehelp #advicepls #1stimemom #firstbaby

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. First and for most. Ang illegitimate na anak sa mother talaga isinusunod ang surname. Second, kung magpapamilya ang lalaki dapat talaga pina-priority na ang wife at ang pamilyang binubuo niya. At before siya mag judge, dapat iniintindi niya muna kung may pinanggagalingan yung sumbong mo or wala. Base sa kwento mo parang, parang lang naman, parang mamas boy. Kung ngayon pa lang at parang may pinapanigan na siya, at hindi pa kayo kasal ay tinatanggalan ka na ng karapatan na makita ang pamilya mo, dapat ngang pag isipan mong maigi kung itong LIP mo ba ang gusto mong makasama habang buhay...

Magbasa pa
3y ago

Welcome. Red flag po talaga yan. Dapat ang dalawang adult na bumubuo ng pamilya na ang nag dedisisyon, kung paano patatakbuhin ang buhay nila. Pwede humingi ng advice pero hanggang doon lang. Hindi nanay ang magpapalakad sa buhay ng buong pamilya at ng relasyon nila. Umalis ka na habang maaga pa.