Falling out of love

Need ko po advice! 1 month postpartum po ako at naiirita na po talaga ako sa lip ko. Actually 5 months preggy palang ako nawala na po talaga yung love ko sa kanya at may malalim na dahilan yun. At ngayon gusto ko sana makipag hiwalay, wala rin namn syang ambag sa bata kasi kahit sweldo nya sakto lang bayad sa utang at motor nya. Hindi rin sya marunong mag alaga or pumalit man lang sa pag babantay kahit pag change lang ng diaper ni lo. At nag naiirita rin ako sa kanya kasi kung makautos na kailangan ko na mag laba kasi marami na ako labahan, akala mo wala akong batang binabantayan. Nag ask nga ako sa kanya na kung pwede ba ipasok sa washing yung mga labahan kasi nagpapa dede pa ako, sinabi nya lang hindi sya marunong binagyan na nga ng instructions. Kung maka reklamo rin na makalat, alam nya naman na ayaw magpalapag ng anak nya kaya hirap ako sa pag galaw at wala akong masyadong tulog kasi wala akong kapalit sa pag babantay kundi ako lang mag isa. Pagod na talaga ako pati isip ko. Minsan nalang gusto ko nalang syang tadyakan pag nakikita ko sarap ng tulog nya, ni hindi nga gumigising kapag umiiyak anak nya. Gusto ko na makipag hiwalay sa kanya. #pleasehelp #advicepls #1stimemom #firstbaby

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

As long as po maproprovide nyo yung need ni baby okay nman po sguro yun. Ang sabi mo nga ho na walang pakialam at all, much better mag open up kayo sa isa't isa para malaman nyo kung ano ba talaga lalong lalo na may baby kayo. Mag desisyon kayo na, mutual. Baka ang ending na stress ka pa lalo.

3y ago

nawalan po ako ng gana nung kinampihan nya po mama nya nung nag sumbong ako nung 5 months preggy pa lang ako na pinaparinggan ako ng mama nya. sinabi nya ako daw may problema kasi pinag iisipan ko masama magulanh nya. hindi nya nga alam dinala ako ng mama nya sa labas kahit gabi na at may eclipse noon. Sinabi ko rin noon na gusto ko umalis nalang sa kanila kasi nga stress na stress na ako sa kapatid at mama nya. Hindi ba naman ako pinakinggan, parang wala syang paki sa mental health ko nung buntis palang ako. nung sinabi ko bumokod kami, sabi nya lang na hindi nya pa kaya umalis sa kanila tutulongan nya rin mga magulang nya. Kaya pagkatapos ko manganak, pinanindigan ko talaga na aalis kami ng anak ko, kung ayaw nya man sumama kami nalang ni Lo. kaya ayon nakasimangot nung nag hahakot kami ng gamit.