Hindi agad nakakagising
Nakaka guilty po minsan di ako agad nakakagising madaling araw kapag umiiyak si baby. Ako lang po kasi nag babantay sa kanya wala akong ka salitan, kasi yung lip ko tulog sa araw at gabi kasi work ng 3am - 12 pm kaya tulog hapon Hanggang madaling araw which is not acceptable kasi nagpupuyat rin ako sa gabi at walang tulog kapag may araw naglalaba pa ako sa damit namin ni baby. 2 mos 10 days na baby ko at 2m10d narin ganito ang set up. Actually na fall out of love na ako sa lip ko since 5 mos preggy palang ako. Gusto ko na sana makipag hiwalay kasi stress lang naman ambag nya. Hindi rin naman napupunta sa amin sweldo nya kundi sa bayad ng motor or ano man kailangan nya. Minsan hati or salitan pa kami sa pag bili ng diaper ni baby which is yun nalang nga need ni Lo kasi EBF sya. Hindi rin sya gumagastos sa pag kain ko kasi nakikitira kami sa inuopahan ng mama ko para samin ng mga kapatid ko na pinapabantayan ng mama ko. Sobrang draines ko na emotionally at mentally, may problema rin ako sa mga magulang nya at ngayon lang ako nag salita about don kasi hindi ko na talaga kaya. At sinabi ko na pag napuno na ako o ubos na pasensya ko hindi ko na ipapakita anak ko sa kanila, wala rin naman silang ambag ako rin naman nag hirap para sa anak ko, ako rin nag pupuyat. Walang ambag yung anak nila kundi picture2 kasama si lo tapos post2 sa fb, pagkatapos naman nya mag picture karga si baby sauli sakin at ako na mag babantay . Hindi pa nga rin yan naka palit ng diaper ng bata, pati narin pag day off nya kapag umiiyak si lo at nagising sya ng una hindi nya man lang kakargahin kundi gigisingin lang ako tapos balik tulog ulit sya. #advicepls #firstbaby #worryingmom #1stimemom #pleasehelp