Share ko lang
Member ako ng Breastfeeding Pinays sa Facebook, pag nakakakita ko ng mga post about sa breastfeeding lalo lang akong napufrustrate haha kahit anong pilit ko kasi sa anak ko ayaw talaga dedehin yung gatas ko kasi ang flat yung nipples ko. Minsan kahit pumped na milk ayaw nya dedehin. Bumili pa ako ng nipple shield para makadede sya pero ilang days lang sya dumede sa akin gamit yun, after nun ayaw na nya. Iiyak lang sya ng iiyak. Nakakainggit yung mga nakakapag breastfeed ? Believe me guys, I tried every single day, ayaw talaga nya. Gusto nya pagsipsip may lalabas agad tapos ayaw nya ng paunti unti lang yung nasisisipsip nya. Gusto nya dirediretso yung flow. I have to admit, these past few weeks di ko na natatry magpalatch/magpump kasi wala na akong katulong mag alaga. Ako lahat mula umaga hanggang gabi. Inaasikaso ko pa yung asawa ko na nagtatrabaho. Laba ng damit ni baby. Luto ng ulam. Linis dito, linis doon. Pagkatapos, alaga naman kay baby. Ni hindi ko nga magawang uminom ng tubig o umihi eh haha. Minsan di ako makapaligo kapag wala pa yung asawa ko kasi wala akong pag iiwanan. Kaya wala talaga akong time mag pump (Manual pump lang kasi yung meron ako) Kaya ayun. Hays, nakakafrustrate lang. Gustong gusto ko magpabrrastfeed talaga kasi alam ko kung gaano kadaming benefits ang meron sa breast milk. Kaso wala eh :(