Wala kasi ako masabihan kaya dito ko na lang post. Gusto ko na lang makipaghiwalay pero natatakotako

Alam nyo yung masakit yung wala syang sinasabi pero nararamdaman ko na wala na talaga. Siguro binalikan nya lang ako noon dahil sa nabuntis ako. Pero ngayon di ko na alam. Nung isang araw nagbbreakdown ako yung tipong gusto ko na mamatay kasi pagod na pagod na yung utak ko. Tas sinabi kosa kanya para na akong nasisiraan ng ulo tas sabi nya lang sira na talaga ulo mo. Na pabigat na ako. Na di naman daw ako maipagmamalaki na nakakahiya daw ako. Sobrang sakit lang. Tas nung gabi na sinuyo nya ako. Tas kinabukasan gusto ko pag usapan yun kasi d sya maalis sa isip ko tas tinawanan nya lang ako tas naiwas lang sya. Sobrang sakit wala akong masabihan wala akong masandalan.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ano kinakatakot mo mi? kung kaya idaan sa usapan pagusapan nyo kaylangan gusto din ng partner mo na maayos makipag cooperate sya. Wag mo naman isipin na gusto mo na mamatay para lang saa lalaki.. ano sya gold? is he worth it? ganyan na nga trato sayo. mas kaylangan ka ng anak mo. remain calm manahimik ka muna analiyze everything kung ano punot dulo bat ka nagkakaganyan.. mag isip isip ka mu na. ipunin mo lahat ng gusto mo sabihin sakanya.. if binabalewala ka pa din. alam mo na sagot jan. know your worth.

Magbasa pa

Nakakalungkot at masakit sa pakiramdam ang ganyan na kahit na asawa mo hindi mo masabihan ng problema o hinanakit mo, tapos pagtatawanan ka lang kung may problem ka na sasabihin. 😓 Ang advice ko lang sayo be kung kaya mo makipaghiwalay sa kanya go lang, lalo na kung yan ang magpapasaya sayo, Kung feeling mo binalikan ka lang niya dahil sa nabuntis ka, so first place pa lang alam mo ng may mali. pero nasa sayo pa rin yan kung kakayanin mo or hindi na. Hope nakatulong advice ko😘

Magbasa pa