16 weeks pregnant hindi ma detect yung heartbeat ni baby sa Doppler
firsttimemom 16 weeks pregnant na po ako at ngayong araw lang po gumamit ako ng doppler para ma detect yung heartbeat ni baby pero ilang minuto hindi ko parin ma detect ang heartbeat niya, ngayon lang kasi nangyari na hindi ma detect yung heartbeat niya. Dahil lang ba sa position niya kaya hindi ma detect yung heartbeat niya?

Pwedeng dahil nga sa position ni baby. Pwede kang magpaturo sa OB mo kung pano hahanapin yung heartbeat at pano malalaman na heartbeat talaga ni baby ang naririnig mo. Yung OB ko sa panganay ko hindi niya nirerecommend na gumamit ng doppler on my own sa bahay kasi nagcocause daw ng stress at anxiety kapag di mahanap ng parents ang heartbeat. Pero bumili at gumamit pa din ako 😅
Magbasa paNagpaultrasound ka na mhie? yung OB ko gumamit din nyan to check hearbeat ni baby, minsan di talaga sya madetect. Tinanong ko din sya if okay ba bumili nun para mapakinggan ko sa bahay heartbeart ni baby pero sabi nya baka heartbeat ko kang makuha kung di marunong gumamit. Better check with your OB and have ultrasound para accurate.
Magbasa pahealthcare worker here we don't suggest using doppler alone sa bahay kasi it can cause stress and overthinking towards sa mothers kasi hnd tama ang paggamit ng Doppler only working in medical fields should only using that po kaya I suggest don't do it at home
Sabi ng Ob ko nasa background palang dw kasi yung heartbeat ni baby .kaya mahirap talaga sya madetect...tsaka nawawala wala...pero hindi tinigilan ng Ob ko na hanapin...ayon!!nahanap din pero matagal2 din sya nahanap...
mahirap pang madetect yung heartbeat ng 16 weeks dapat atleast 22 weeks above. ang mararamdaman mo lang parang may pitik pitik pa lang sa loob ng tyan mo ganyan kapag 16 weeks. 😊
may nararamdaman akong pitik sa tiyan pero hindi ko sure dahil ba yun sa baby ko
ganyan din po ako nung 16weeks kaya nirequest ako n iultrasound pero s ultrasound nakita nmn n may heart beat c baby,mahirap daw tlaga maditect ang heart beat pag 16weeks
kung bilbilin ka hindi mo agad madedetect yan at 16weeks depende yan sa mga nag bubuntis
Sa pinaka baba pa po kasi sya 16weeks nako mahirap hanapin pero meron po sya sa baba
hi mi, possible po na hindi ma ma detect kasi maliiy pa si baby sa 16 weeks.
ma detect siya pero ilang segundo lang ang katagalan ng heartbeat niya
isanng beses lanng dapat yan sa isanng linggo naisstress din sila jan
yung sa akin mi 17 weeks ko nahanap heartbeat ni baby