Sorry baby
Natatakot ako para sa baby ko, kakapanganak ko lang sa kanya. Nung una excited pa ako. Pero habang tumatagal parang ayoko na sya hawakan. Naiiyak ako pag iyak sya ng iyak. Parang nagsasawa na ako padedehin sya. Minsan naiisip ko na bakamasaktan ko sya. Naiinis ako sa sarili ko. Tapos Nakatira kami sa in laws ko, dagdag pa sa problema ung nanay nia dahil masyado niya kami pinapakielaman sa lahat ng desisyon namin. Mahal na mahal ko anak ko kaya natatakot ako na baka isang araw masaktan ko sya. Isa pa, na cs ako kaya limitado lang mga galaw ko. Akala ko nga kaya kami tumira pansamantala sa kanila para matulungan ako kahit papano sa pag alaga hanggang sa gumaling ako, kaya lang ako pa rin pala sa lahat. Nakakapagod lang talaga. Edit: Hindi ko po alam kung tama ba ung pag aalaga ko kay baby. Natatakot ako magkamali. Nanonood ako ng mga tutorial pero feeling ko kulang. Parang hindi ko sya kayang palakihin. Ung asawa ko supportive naman kaya lang mas nangingibabaw ung negative na nararamdaman ko. Para kong mababaliw..
Yan nga po kinakatakot ko momsh kaya sabi ko ki partner sa bahay nalang kami wag na sa kanila kasi ang hirap. 1 Time nga hinatid ako nang tiyahin ko kasi gabi na at buntis pako, binuksan ng partner ko yung ilaw sa labas kasi andyan tiyahin ko, grbe yung kuda nang lola ni partner kesyo wala raw konsiderasyon na mi tulog na bakit pa raw dumalaw dalaw. Buti nalang d sya pinansin ng tiyahin ko at nag paalam nang umalis. Kaya ayon iyak ako ng iyak sa partner ko nung gabing yun. Tanggap ko naman na mi kasalanan din ako, kaya lang hindi ko lang kasi matanggap ang mka distorbo ako sa iba, yun kasi turo ng nanay ko na ok lang mka distorbo ako sa pamilya ko wag lang sa iba. Kaya ayon nag break down talaga ako kasi feeling ko maling Mali na gawa ko. Buti nalang mahal ako ng partner ko inisip nya yung mkaka bubuti samin ng magiging anak namin nag desisyon syang magpa gawa kami ng kwarto namin sa bahay ng parents ko kasi dun ako komportable. Hindi naman kasi ganun ka gulo yung parents ko, sa kanila lang talaga kasi mi elders ok din naman parents nya sakin kaya lang mas komportable ako sa bahay namen. And baka ma stress lang ako sa mga kapatid nya.
Magbasa paGanyan din po ako, kakapanganak ko lng last month sa first baby ko and nasa in laws ko din po kami nkatira para may mkatulong samen. Anxious ako sa way ng pag aalaga ko ky lo ko even sa pagkarga kasi andaming kuda eh yung hubby ko sakanila nakikinig kaya nag aaway kami minsan edi dagdag sa stress ko. Pag bine-breastfeed ko sya nakakaramdam ako ng sudden anger na ewan. Pero kahit ganon iniisip ko nalang gaano ko kamahal pamilya ko lalo na baby ko. 1month and days na sya ngayon at nagnonormalize na yung emotional breakdown and parental pressure ko. D na din kami nag aaway ni hubby kasi narealize nya na mas kami ang nakakakilala sa anak namin. Ginagawa ko nalang is tinatanggap ko in a positive way yung mga natatanggap kong mga salita tungkol sa akin, sa anong klaseng ina at asawa ako bahala sila. Tingnan ko lang baby ko kahit pagod na pagod na ako nabubuhayan ako bigla tho d talaga maiiwasan na nawawalan tayo ng pasensya ๐ช
Magbasa paPart yan mamsh ng postpartum mo. Ganyan din ako nung ilang weeks palang si baby ko kaya nagdecide ako umuwi dito sa papa ko para kahit papano gumaan gaan naman yung pakiramdam ko kasi feeling ko din nung nasa bahay kami ng mama ng partner ko feel ko lalong lumalala yung post partum ko dahil nga sa pinapakealamanan ako ng biyenan ko. Pero after a week naging ok na ko, dati naiiyak nalang din ako sa madaling araw tuwing umiiyak si baby tapos nakikita ko partner ko ansarap ng tulog talagang sa sobrang inis ko sa kaniya ko binubuntong inis ko at saka feeling ko din nun ayaw sakin ng baby ko kasi iyak siya ng iyak kapag karga ko pero pag sa tatay niya di naman siya umiiyak kaya nainis ako lalo sa sarili ko nun. Pero ngayon 3months na si baby nalampasan ko na yung post partum depression stage. Kaya mo yan mamsh sa umpisa lang yan kausapin mo lang si hubby mo na basta kahit anong mangyari dapat lagi siya nakagabay sayo. ๐
Magbasa paSis dpt mas lalo mong alagaan si baby lalo na kung nkakaencounyer ka ng pospartum ako kc nung naexperience ko yan niyakap ko si baby nawala nmn minsan naiinis dn ako pag iyak ng iyak pro minsan lang tayo magpuyat s knila e kelangannmi lng tyagain hanggang mag 1 y/o kc minsn lang dn sila maging bata kya naiintndhn kita cs dn ako pro mas gusto ko ako mag alaga sa baby ko 1mth plng anak ko ngaun pro mas hands on ako ... lalo na maselan pa sila mas masarap pag tayo ung nag aalaga kesa ipagkatiwala natin s iba :) first time mom dn ako nag babasa lang dn ako at nanunjod ng youtube kya natuto ako wla n dn akong nanay tatay nlng meron ako my inlaw ako kso hnd sila marunong mag alaga ng baby kya kht s pagpapaligo at pagkapanganak konthat day na kaht hirap ako tlgang pinili kong ako mag alaga para sa baby ko ;)
Magbasa paMamsh may pospartum ka. Need mo ng katuwang kay baby at someone naakakausap like frennies mo. Mabuting alam mo itong app na ito dahil kahit papaano nasheshare at naaabisuhan ka at may mga nalalaman. Mommy sana po maovercome mo yan ako nga noon naiisip konghagis si baby sa ilog na malapit na pinagpapaarawan ko sa anya, mag isa ang kase ako noon tas kung ano ano din napasok sa utak ko pero nilalabanan ko iniosip ko na dugo at laman ko ito at saka ayokong makulong at husgahan ulet ano. Kaya keep strong lang po.
Magbasa paSis nagpopostpartum blues ka lang, naranasan ko po yan 1-3weeks, kailangan mong labanan, magpray? Think positive at lagi mangingibabaw ang love sa baby mo para d puro negative, same tau sis ng sitwasyon, ako lahat nakatira sa in laws ko pero ako parin pala lahat, sobrang burn out na ako, pagod kulang tulog tas d mo pa maintindhan si baby pag naiyak, kaialngan mo lumaban , malalampasan mo dn yan hanggang masasanay ka na at matatanggap mo.. Godbless
Magbasa paNung first week ni baby natatakot din akong alagaan anak ko kasi first time nanay din ako. Takot akong paliguan, kukuhan, etc. Pero nilakasan ko lang loob ko kasi sino bang gagawa nun kundi ako? Hanggang sa nasanay na lang akong gawin lahat ng yun. May time na hindi ko siya mapatahan at ayaw niya magdede. Gusto ko na din umiyak pero sino na ang magtya-tyaga sa kanya? Ako pa din. Kaya mo yan mommy. Pinag dadaanan yan ng lahat ng nanay. Tyaga lang.
Magbasa paMga Momshie Kaya nyo Yan..wag Lang mg isip palage..kahit na nanganak na Tayo makakaranas Tayo nang post Part depression...Kaya sabihin nyo sa mga hubby ninyo..mg tulongan kau mg alaga Kay baby...naranasan ko na din Yan...mabuti nlang subrang supportive ung hubby ko..๐๐ Kaya Faithing Lang tayo mga Momshie...๐ช๐ชpag lumaki na ung mga anak ninyo Masarap na sa pakiramdam...ung Panganay ko 5 years old na at ska ung pangalawa 3 years old...
Magbasa paOkay lang yan. Hindi yan maiiwasan lag-first time mom. Lakasan mo loob mo. Tandaan mo walang perfect na mommy. Basta pray ka lang at gawin mo lang yung alam mo. Tanong ka sa in-laws mo or sa mga kakilala mong may baby. Pagna-ppressure ka na, mag-relax ka. Lakad ka sa labas sandali or nood ka ng favorite mong palabas. 'Wag mong inii-stress sarili mo. Itong picture maliit na guide para intindihin ang iyak ni baby. Kaya mo yan! ๐
Magbasa paI've been there po, super hirap nung mga unang months, although sanay ako mapuyat, pero iba parin yung puyat na may naririnig kang iyak, or may buhat buhat kang baby na magdamag gusto buhat mo. Gusto ko na paluin sa pwet baby ko sa kakaiyak niya. Dasal lang mamsh, hingi ka guidance at mahaba pang pasensya. Ilang months lang naman ganyan ang mga baby. Be strong at kung nakayanan namin malagpasan yang stage na yan, kaya mo din๐
Magbasa pa