Sorry baby

Natatakot ako para sa baby ko, kakapanganak ko lang sa kanya. Nung una excited pa ako. Pero habang tumatagal parang ayoko na sya hawakan. Naiiyak ako pag iyak sya ng iyak. Parang nagsasawa na ako padedehin sya. Minsan naiisip ko na bakamasaktan ko sya. Naiinis ako sa sarili ko. Tapos Nakatira kami sa in laws ko, dagdag pa sa problema ung nanay nia dahil masyado niya kami pinapakielaman sa lahat ng desisyon namin. Mahal na mahal ko anak ko kaya natatakot ako na baka isang araw masaktan ko sya. Isa pa, na cs ako kaya limitado lang mga galaw ko. Akala ko nga kaya kami tumira pansamantala sa kanila para matulungan ako kahit papano sa pag alaga hanggang sa gumaling ako, kaya lang ako pa rin pala sa lahat. Nakakapagod lang talaga. Edit: Hindi ko po alam kung tama ba ung pag aalaga ko kay baby. Natatakot ako magkamali. Nanonood ako ng mga tutorial pero feeling ko kulang. Parang hindi ko sya kayang palakihin. Ung asawa ko supportive naman kaya lang mas nangingibabaw ung negative na nararamdaman ko. Para kong mababaliw..

42 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ganyan din po ako, kakapanganak ko lng last month sa first baby ko and nasa in laws ko din po kami nkatira para may mkatulong samen. Anxious ako sa way ng pag aalaga ko ky lo ko even sa pagkarga kasi andaming kuda eh yung hubby ko sakanila nakikinig kaya nag aaway kami minsan edi dagdag sa stress ko. Pag bine-breastfeed ko sya nakakaramdam ako ng sudden anger na ewan. Pero kahit ganon iniisip ko nalang gaano ko kamahal pamilya ko lalo na baby ko. 1month and days na sya ngayon at nagnonormalize na yung emotional breakdown and parental pressure ko. D na din kami nag aaway ni hubby kasi narealize nya na mas kami ang nakakakilala sa anak namin. Ginagawa ko nalang is tinatanggap ko in a positive way yung mga natatanggap kong mga salita tungkol sa akin, sa anong klaseng ina at asawa ako bahala sila. Tingnan ko lang baby ko kahit pagod na pagod na ako nabubuhayan ako bigla tho d talaga maiiwasan na nawawalan tayo ng pasensya πŸ˜ͺ

Magbasa pa