Sorry baby

Natatakot ako para sa baby ko, kakapanganak ko lang sa kanya. Nung una excited pa ako. Pero habang tumatagal parang ayoko na sya hawakan. Naiiyak ako pag iyak sya ng iyak. Parang nagsasawa na ako padedehin sya. Minsan naiisip ko na bakamasaktan ko sya. Naiinis ako sa sarili ko. Tapos Nakatira kami sa in laws ko, dagdag pa sa problema ung nanay nia dahil masyado niya kami pinapakielaman sa lahat ng desisyon namin. Mahal na mahal ko anak ko kaya natatakot ako na baka isang araw masaktan ko sya. Isa pa, na cs ako kaya limitado lang mga galaw ko. Akala ko nga kaya kami tumira pansamantala sa kanila para matulungan ako kahit papano sa pag alaga hanggang sa gumaling ako, kaya lang ako pa rin pala sa lahat. Nakakapagod lang talaga. Edit: Hindi ko po alam kung tama ba ung pag aalaga ko kay baby. Natatakot ako magkamali. Nanonood ako ng mga tutorial pero feeling ko kulang. Parang hindi ko sya kayang palakihin. Ung asawa ko supportive naman kaya lang mas nangingibabaw ung negative na nararamdaman ko. Para kong mababaliw..

42 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Maam, i suggest po usap kayo ni hubby mo, if kaya na po magbukod na kayo, oh di kaya dun kayo sa side mo para iwas stress ka. And yung sa PPD nyo po, please po huwag kayo magpadala, lakasan nyo po para kay baby. Kailangan mo po tlga ng support system ngayon sana reach out ka sa close friends and family nyo po. Pray po tlga kayo most of all. God bless po.

Magbasa pa

sis, lakasan mo lng loob mo ako din Cs pero ako lng din lahat.. masarap sa feeling magbreaatfeed kasi may contact kayo lahat ng hirap at pagod kinaya ko lahat iniisip ko nlng na matatapos din lahat ng to.. kahit nga pag kilos sa bahay ako padin iniiyak ko nlng minsan kase pagod nko tapos tapos dalawa pa anak ko alagain parehas kaya pakatatag ka lng :)

Magbasa pa

i feel you. tho, di ako masyado gumagawa ng gawaing bahay pero bog2x ako sa kaka alaga sa anak ko at sa papa niya na puro utos panay computer ako naglalaba ng kumot na minsan mabinigat pa 2months palang mula nung nanganak ako cs din kaya heto parang yung sakit na kaka cs ko palang parang nararamfaman ko ulit ngayon

Magbasa pa

I feel you.. Ganyan ako dto samen. Nakikitira dn kme sa inlaws.. Ung ngwawala anak mo gsto mo na hawakan pero kumikilos ka pa sa gawaing bahay! Wala na parents ko so no choice akong makitira.. Kng anjan pa parents mo gat maaari dun ka na muna sa parents mo.. Wala makakaintindi sau kundi sarili mong magulang😔

Magbasa pa

Mamsh may PPD (post partrum depression) po kayo... i-open nyo po yan sa OB ninyo para mabigyan kayo advise... And tiis-tiis lang mamsh kaya mo yan, minsan lang infant si baby mo. Always pray at also sabihin mo yan sa asawa mo ang napi-feel mo. Laban lang! Kaya mo yan...

Hirap kalaban ng ppd talaga mumsh. Kung feeling mo gusto mo saktan anak mo. Lumayo ka konti sa kanya tapos if may time kayo ng hubby mo. Try nyo gumala para ma unwind ka naman ♥️ Laban lang mumsh. Ganyan talaga pag nanay na. Iwas lang parati sa stress

Surround yourself with positive and supportive people. Know that being a mother is tough but it's a responsibility to take care and love our children. Consult to your OB to cater your needs asap. It might be post part depression. I pray for you sis.

PPD po yan mamsh, seek ka po ng advice Sa mga friends mo. Keep yourself busy like kausapin mo cla parents mo lagi mga kapatid mo, think positive, watch ka ng movie na funny or Ung nakaka good vibes😉Godbless you mamsh. Malalagpasan mo din po yan

Ganyan din ako momshie nuon sa panganay ko naka pinsan din kami sa in laws ko..mahirap talaga..basta tatagan mu lng ang kalooban mo,tsaka palagi kang mag pray para gumaan ang pakiramdam mo..malalampasan mu rin..isipin mo palagi ang baby mo..

Have you talk about this to your obgyne ? .. its a syndrome :( i hope ma gove over mo sya sis. Please dont fear , try to make things better.. its ok if sometimes she cry.. please gather some strength ... Your baby needs you mommy