Sorry baby

Natatakot ako para sa baby ko, kakapanganak ko lang sa kanya. Nung una excited pa ako. Pero habang tumatagal parang ayoko na sya hawakan. Naiiyak ako pag iyak sya ng iyak. Parang nagsasawa na ako padedehin sya. Minsan naiisip ko na bakamasaktan ko sya. Naiinis ako sa sarili ko. Tapos Nakatira kami sa in laws ko, dagdag pa sa problema ung nanay nia dahil masyado niya kami pinapakielaman sa lahat ng desisyon namin. Mahal na mahal ko anak ko kaya natatakot ako na baka isang araw masaktan ko sya. Isa pa, na cs ako kaya limitado lang mga galaw ko. Akala ko nga kaya kami tumira pansamantala sa kanila para matulungan ako kahit papano sa pag alaga hanggang sa gumaling ako, kaya lang ako pa rin pala sa lahat. Nakakapagod lang talaga. Edit: Hindi ko po alam kung tama ba ung pag aalaga ko kay baby. Natatakot ako magkamali. Nanonood ako ng mga tutorial pero feeling ko kulang. Parang hindi ko sya kayang palakihin. Ung asawa ko supportive naman kaya lang mas nangingibabaw ung negative na nararamdaman ko. Para kong mababaliw..

42 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Part yan mamsh ng postpartum mo. Ganyan din ako nung ilang weeks palang si baby ko kaya nagdecide ako umuwi dito sa papa ko para kahit papano gumaan gaan naman yung pakiramdam ko kasi feeling ko din nung nasa bahay kami ng mama ng partner ko feel ko lalong lumalala yung post partum ko dahil nga sa pinapakealamanan ako ng biyenan ko. Pero after a week naging ok na ko, dati naiiyak nalang din ako sa madaling araw tuwing umiiyak si baby tapos nakikita ko partner ko ansarap ng tulog talagang sa sobrang inis ko sa kaniya ko binubuntong inis ko at saka feeling ko din nun ayaw sakin ng baby ko kasi iyak siya ng iyak kapag karga ko pero pag sa tatay niya di naman siya umiiyak kaya nainis ako lalo sa sarili ko nun. Pero ngayon 3months na si baby nalampasan ko na yung post partum depression stage. Kaya mo yan mamsh sa umpisa lang yan kausapin mo lang si hubby mo na basta kahit anong mangyari dapat lagi siya nakagabay sayo. 😊

Magbasa pa