Sorry baby

Natatakot ako para sa baby ko, kakapanganak ko lang sa kanya. Nung una excited pa ako. Pero habang tumatagal parang ayoko na sya hawakan. Naiiyak ako pag iyak sya ng iyak. Parang nagsasawa na ako padedehin sya. Minsan naiisip ko na bakamasaktan ko sya. Naiinis ako sa sarili ko. Tapos Nakatira kami sa in laws ko, dagdag pa sa problema ung nanay nia dahil masyado niya kami pinapakielaman sa lahat ng desisyon namin. Mahal na mahal ko anak ko kaya natatakot ako na baka isang araw masaktan ko sya. Isa pa, na cs ako kaya limitado lang mga galaw ko. Akala ko nga kaya kami tumira pansamantala sa kanila para matulungan ako kahit papano sa pag alaga hanggang sa gumaling ako, kaya lang ako pa rin pala sa lahat. Nakakapagod lang talaga. Edit: Hindi ko po alam kung tama ba ung pag aalaga ko kay baby. Natatakot ako magkamali. Nanonood ako ng mga tutorial pero feeling ko kulang. Parang hindi ko sya kayang palakihin. Ung asawa ko supportive naman kaya lang mas nangingibabaw ung negative na nararamdaman ko. Para kong mababaliw..

42 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nung first week ni baby natatakot din akong alagaan anak ko kasi first time nanay din ako. Takot akong paliguan, kukuhan, etc. Pero nilakasan ko lang loob ko kasi sino bang gagawa nun kundi ako? Hanggang sa nasanay na lang akong gawin lahat ng yun. May time na hindi ko siya mapatahan at ayaw niya magdede. Gusto ko na din umiyak pero sino na ang magtya-tyaga sa kanya? Ako pa din. Kaya mo yan mommy. Pinag dadaanan yan ng lahat ng nanay. Tyaga lang.

Magbasa pa