Aswang: Senyales na may tiktik

Naniniwala po ba kayo sa aswang at tiktik? Ilang gabi na kasing parang may gustong tumungkab ng bubong kung saan ako natutulog. Gabi-gabi, may parang naglalakad sa bubungan namin. Kanina, kinausap ng kapitbahay naming matanda ang mom ko at sinabi niyang ilang gabi na niyang naririnig na inaaswang ako, na tila may senyales na may tiktik. Nakakaparanoid tuloy ako. Minsan, 4 AM na ako nakakatulog dahil sa mga kumakaluskos sa bubong, kinakabahan talaga ako. 36 going 37 weeks na ako, pero maliit pa lang ang tiyan ko. Paranoid na talaga ako sa ingay sa bubong namin. Ano po ang dapat kong gawin?

104 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Naranasan ko din yan. Wala naman mangyayaring masama kung susundin nalang, nung una syempre mahirap paniwalaan lalo nat nandito ako sa maynila syempre matao dito di kagaya sa probinsya na mapuno at magubat pero meron din palang iilan dito. Skl nung di pa ako naniniwala sa aswang at tiktik panay higa ako ng tihaya at naka daster lang ako pero sa sala ako natutulog kasama ko asawa ko, nung kinagabihan ate ko kase natutulog malapit sa bintana nakabukas saka patay yung ilaw tapos nung exact 3am may gumagapang sa paanan nya sabi nya kinagat pa nga daw sya neto pero di nya pinansin dahil sa takot, di nya maaninag yung itsura pero parang mabalahibo daw akala siguro ng aswang ako si ate kase hilig nakatihaya eh buti nalang naka kumot ako ng pula. Tapos ayun nung kinuwento nya na nga natawa pako kase kinagat daw sya tas may nakita kami sa sahig nya na sobrang lapot ng laway parang aloe vera na walang bula yung itsura tas nakakakilabot papunta sakin yung laway malapit sa paanan ko. Kaya simula non lagi nakong nagdadamit na black at nagkukumot ng pula tapos may asin sa bintana at nakasabit na bawang tapos lagi ng sarado yung bintana.

Magbasa pa
5y ago

Tapos bumili ate ko nun sa tindahan pagkabalik nya sa bahay tiningnan nya ako kase nakahiga ako sa kwarto nya sabi nya saken umalis daw ako sa pwesto ko syempre nagulat ako 7pm palang yon ng gabi may mga tao pa, tapos pinaturo nya tito ko yung merong malaking malaking pusa sa bubong namin kung saan ako nakapwesto. Parang may lahi yung pusa na ewan, kasing laki nya yung asong shitzu, kulay orange na dirtywhite, yung balahibo nya sa mukha naka form na parang leon style tapos red na mata. Naka higa lang sya sa bubong kung saan ako nahiga den, gusto kuhain ng tito ko kase may lahi ang ginawa ni ate kumuha sya ng asin tapos nung binasbas sa pusa nawalang parang bula akala namin tumalon pero wala naman kaming narinig na ingay na dabog kaya simula non wala ng masyadong nangugulo sa bubong namin at bantay sarado narin sa aso namin.

Ako rin sis!! May ilang gabi nako ginising ng kalampag sa bubong ng terraice namin. Katabi non ang bintana ng kwarto ko. As in dudungaw lang ako bubong na. Sasabayan pa ng tahol ng mga aso. Kagabi kahit sobrang himbing ng tulog ko, bigla akong nagising kasi mayroon na naman yabag sa bubog ang lakas ng mga yabag talaga magugulat ka pero si mama hindi niya talaga marinig at himbing sa tulog. Tapos bumangon na talaga ako kagabi para silipin kasi si Baby sumipa talaga ng ilang beses at galaw siya ng galaw sa tiyan ko nong oras na yun. 37 weeks and 3 days nako. Pagkabangon ko binuhay ko ang ilaw, at nilakasan ko loob ko na sumilip sa bintana. Dumungaw sakin ang isang pusang itim. Kumaripas ng takbo nung sinaway ko. Actually hindi talaga ako naniniwala sis sa mga ganyan until lang talaga sumipa si baby sa tiyan ko kagabi natakot rin ata siya. Nakita ko talaga isang pusang itim. Tapos tinanong ko lahat ng kamaganak ko kung may itim na pusa ba dito sa normal na araw, wala naman daw kundi un pusang puti lang. Nakakaloka, natakot ako para kay baby nong nagreact siya ng movements siya tiyan ko kagabi.

Magbasa pa

Hi mamsh.. Mga 2months or 3months yung tiyan ko po.. Gravehh yung mga pagpaparamdam samin.. May naglalakad sa bubong or may pusa sa paligid na aaligid-aligid. Tsaka kakaiba po talaga yung galaw nila.. Masasabi mo po talagang nag.aanyong pusa lang kasi napakabigat ng mga apak nila sa yero.. Pag mga madaling araw na silang nagpaparamdam yung ginagawa ng lip ko sinasabuyan nya ng isang tabo ng mainit na tubig haha.. Tawang-tawa kami eh .. After ilang pagpaparamdam nila hindi na kami binulabog pa kasi yun lage ang ginagawa nya.. Pero naglalagay parin kami ng asin or bawang sa paligid and don't forget to pray mga mamsh.. Ngayung 7months nako so far wala na talagang disturbo hehe.. Marami din kasi kaming buntis that time kaya mabango para sa kanila pag maraming buntis sa paligid.. Ang ibang kapitbahay namin hindi din pinalagpas.. Mas worst nga sa kanila kasi gabi2 talaga silang binabalikan. Dito samin parang urong-sulong na yung mga aswang2 na yan kasi ikaw ba naman sabuyan ng mainit na tubig hindi kaba malapnos pag mabagal kang tumakbo ๐Ÿ˜†๐Ÿ˜†๐Ÿ˜†

Magbasa pa

Ako nga inaaswang din noong buntis ako kaso kilala ko Yung asawang dto Kaya Hindi niya ako Kaya nag lagay din ako nang Asin at bawang sa binata ko noon noong una Kaya sobrang init na prang kumukulo buo kong katawaan may nakapag Sabi sa akin may asawang daw pag ganun Yun tinapangan ko lang loob ko Kasi pag mahina ka mag papansin talaga siya sayo lagi pa Naman akong walang kasama pag araw sa Gabi Naman Gabi na din umuuwi asawa ko Hindi ko malimutan punta ako cubao malapit na ako manganak Kasi ka buwanan kona pumunta ako sa bahay nang mama ko kasama ko Asawa ko noon bandang 3 am narinig Kung may umiiyak sa bubong namin matanda siya kasama Niya umiiyak pati Yung pusa Ang ginawa ko pinag mumura ko Sabi Kasi sa akin mumurahin mo daw tatlo Kasi kaming babae na buntis Kaya sobrang bango sa kanya yun

Magbasa pa
5y ago

Anu po b mangyyri pag inaswang ka pagbuntis momshie?

Naranasan ko yan 7 to 8 months na tiyan ko sa panganay ko nagbakasyon kme sa tta ko sa bundok hnd naman mataas pag akyat tama lng tanaw pa kalsada kaso mapuno may kapit bahay naman kaso malayo pagitan kpag tuwing 2am may kakalabog yung parang nahulog sa malayong parte ng bubong papalapit sa pwesto ko kung saan ako nakahiga mabigat yung yabag rinig na rinig ko kce yero lng walang kisame hnd naman pusa kce magaan lng dpt hnd ako nakatulog nun kinaumagahan tlga lumipat ako ng tutuluyan sa isang tta ko na may mga kalapit bahay na yun panatag na pagtulog ko pero d ko pdin inaalis bawang at asin sa bintana may kalapit ako pati sa tiyan ko nakaipit sa telang pula

Magbasa pa

ang ginawa po ng mother ko dati nung may ganyang paramdam nung pinagbubuntis ko ang panganay ko ay inantay yung eksaktong 12 ng tanghali tapos naghagis ng madaming asin sa bubong yun kase ang turo ng lolo ko. then pag natutulog po aq yung hubby ko may gunting n katabi khit maliit lang pag nararamdaman nya yung mga yabag, pinapatunog nya gunting n para bang manggugupit taz nawawala na iyun.and one more thing po lague aqng mag bawang at asin sa bulsa, minsan pa ay posporo kase yung amoy pulbura ayaw ng mga maligno. and praying always po.

Magbasa pa

True un mommy, kc na experience ko yan, mag isa lng ako s bhay, wala ako kasama kc hubby ko nabalik sa ibang bansa, , gabi gabi my nararamdaman ako sa labas ng bintana ko, salitan dun sa dalawang bintana ko n my naririnig pa akong tiktik na tunog, di ako makatulog noon, nag aalala lng ako sa baby ko, kya pagdating ng umaga saka lng ako makakatulog, di ko na kinaya nagsabi ako sa mother ko, sinabi nya na maglagay ako ng bawang na dinikdik at asin sa bintana gabi gabi, mula noon wala nko naririnig na tiktik, til now naglalagay pa rin ako ng bawang

Magbasa pa

True,base on my experience before sa eldest ko. Pray lang sis, wag ka papadala sa takot. Sindakan lang yan,pag alam niyang takot ka lalo kang tatakutin at babantayan. Paparinig mo sa kanyang dika natatakot at may mga panlaban o pangontra ka sa kanila. Halimbawa nasa bubong niyo yan,mag attempt ka kunwari na lalabasin siya at bubuhusan ng asin o holy water,bigla yan mawawala..although babalik siya, paramdam mong dika takot kasi mas malakas ka at si Lord kesa sa kanya. Ingat nalang din po. God will always be with you. ๐Ÿ˜Š๐Ÿ™

Magbasa pa

I feel u momsh ๐Ÿ˜–, ako naniniwala sa gnyan marami Yan s probinsya, pero nandito aq sa manila, hindi ako nkakatulog Ng maayos kpg my gnyan, gnagawa ko Yung damit Ng asawa ko n kulay itim sinusuot ko tapos tinatakpan ko tyan ko, meron din akong samurai sa tabi ko, tlagang ngsalita aq n subukan mo pupuntahan Kita sa bahay nyo. Hindi ko tlgA mkakalimutan Yan, Yung kapitbahay namin nararamdaman din tuwing 8:30pm- 9..sinabihan nya ako n laging mgdala Ng luya at kpg Gabi mgsaboy Ng dinikdik n bawang at Asin sa bintana.

Magbasa pa

May mga nakakatakot na kwento tungkol sa aswang at tiktik, at posible na may senyales na may tiktik na nagdudulot ng iyong paranoia. Pero naisip ko rin na baka may logical explanation ang mga ingay na naririnig mo. Minsan, ang mga hangin at ulan ay nagiging sanhi ng mga tunog sa bubong. I also suggest na makipag-usap ka sa mga kapitbahay mo para malaman kung sila rin ay naririnig ang mga ganitong tunog. Para sa akin, nakakatulong ang pag-open up sa mga fears mo, lalo na kung ikaw ay buntis na.

Magbasa pa