Aswang: Senyales na may tiktik

Naniniwala po ba kayo sa aswang at tiktik? Ilang gabi na kasing parang may gustong tumungkab ng bubong kung saan ako natutulog. Gabi-gabi, may parang naglalakad sa bubungan namin. Kanina, kinausap ng kapitbahay naming matanda ang mom ko at sinabi niyang ilang gabi na niyang naririnig na inaaswang ako, na tila may senyales na may tiktik. Nakakaparanoid tuloy ako. Minsan, 4 AM na ako nakakatulog dahil sa mga kumakaluskos sa bubong, kinakabahan talaga ako. 36 going 37 weeks na ako, pero maliit pa lang ang tiyan ko. Paranoid na talaga ako sa ingay sa bubong namin. Ano po ang dapat kong gawin?

109 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I feel u momsh 😖, ako naniniwala sa gnyan marami Yan s probinsya, pero nandito aq sa manila, hindi ako nkakatulog Ng maayos kpg my gnyan, gnagawa ko Yung damit Ng asawa ko n kulay itim sinusuot ko tapos tinatakpan ko tyan ko, meron din akong samurai sa tabi ko, tlagang ngsalita aq n subukan mo pupuntahan Kita sa bahay nyo. Hindi ko tlgA mkakalimutan Yan, Yung kapitbahay namin nararamdaman din tuwing 8:30pm- 9..sinabihan nya ako n laging mgdala Ng luya at kpg Gabi mgsaboy Ng dinikdik n bawang at Asin sa bintana.

Magbasa pa