Aswang: Senyales na may tiktik

Naniniwala po ba kayo sa aswang at tiktik? Ilang gabi na kasing parang may gustong tumungkab ng bubong kung saan ako natutulog. Gabi-gabi, may parang naglalakad sa bubungan namin. Kanina, kinausap ng kapitbahay naming matanda ang mom ko at sinabi niyang ilang gabi na niyang naririnig na inaaswang ako, na tila may senyales na may tiktik. Nakakaparanoid tuloy ako. Minsan, 4 AM na ako nakakatulog dahil sa mga kumakaluskos sa bubong, kinakabahan talaga ako. 36 going 37 weeks na ako, pero maliit pa lang ang tiyan ko. Paranoid na talaga ako sa ingay sa bubong namin. Ano po ang dapat kong gawin?

109 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

True,base on my experience before sa eldest ko. Pray lang sis, wag ka papadala sa takot. Sindakan lang yan,pag alam niyang takot ka lalo kang tatakutin at babantayan. Paparinig mo sa kanyang dika natatakot at may mga panlaban o pangontra ka sa kanila. Halimbawa nasa bubong niyo yan,mag attempt ka kunwari na lalabasin siya at bubuhusan ng asin o holy water,bigla yan mawawala..although babalik siya, paramdam mong dika takot kasi mas malakas ka at si Lord kesa sa kanya. Ingat nalang din po. God will always be with you. 😊🙏

Magbasa pa