Aswang: Senyales na may tiktik
Naniniwala po ba kayo sa aswang at tiktik? Ilang gabi na kasing parang may gustong tumungkab ng bubong kung saan ako natutulog. Gabi-gabi, may parang naglalakad sa bubungan namin. Kanina, kinausap ng kapitbahay naming matanda ang mom ko at sinabi niyang ilang gabi na niyang naririnig na inaaswang ako, na tila may senyales na may tiktik. Nakakaparanoid tuloy ako. Minsan, 4 AM na ako nakakatulog dahil sa mga kumakaluskos sa bubong, kinakabahan talaga ako. 36 going 37 weeks na ako, pero maliit pa lang ang tiyan ko. Paranoid na talaga ako sa ingay sa bubong namin. Ano po ang dapat kong gawin?
Hi momsh..nasubukan ko na yan yang ganyan..magkalat ka ng asin sa bintana tas maglagay ka ng bawang sa tabi mo at asin..then more prayers..meron pa akong naexperience si lo ko 4months baby sya umuwi kami ng province..dahil nakakadapa na ung baby ko..around 2am ng madaling araw ung higaan namin may screen at katapat ng bintana at nakabukas ito..gising si lo ko din nakadim light lang ung ilaw suddenly pagbangon ko may kumalampag sa bintana at biglang may lumipad ..buti nlng mayscreen
Magbasa paNung buntis ako, hindi pa alam ng kapitbahay ng asawa ko na dun ako nakatira sakanila. One time tinanong nya ung kapatid ng asawa ko kung may buntis daw ba sakanila kasi may matanda daw na babae na laging nasa may puno gabi gabi. Ngaun lang dw nya un nakita. Tas ayun sinabi na ako ung buntis dun. Tas one time pinakanakakatakot na part yung may daga na malaki sa bintana na pula ung mata. Nagsisisigaw talaga ako. The next day pumutok na panubigan ko.
Magbasa pakalat ka ng asin at bawang sa labas ng bahay nio sis then pahid ka kalamansi sa tiyan mo tas lagay ka itim n tela sa tiyan mo or suotin mo damit ng hubby mo na itim, kelangan ung nagamit na nia. tas itayo mo ung walis tingting sa labas nio malapit sa tinutulugan mo.. kung my halaman kayo na matitinik lagay mo malapit sa tinutulugan mo.. ganyan tinuro sakin e.. kase dalawa beses na ako nakunan, tingin ng iba baka dw inaaswang ako di ko pa alam.
Magbasa pasalamat po.
Nung buntis ako, nagkaroon din ako ng mga weird experiences sa gabi na tila may senyales na may tiktik. Laging parang may naglalakad sa bubungan. Sabi ng mga matatanda, kapag may narinig kang ganitong ingay, it’s best to pray and protect your space. Kaya’t naglagay ako ng holy water at mga dasal sa kwarto. It helps me feel more secure. Kung magpapatuloy ang ingay, magandang ideya din na tawagan ang mga eksperto para suriin ang bubong.
Magbasa paNoong mga unang buwan ng pagbubuntis ko, sobrang paranoid ako. Yung ingay sa bubong, akala ko aswang na, pero laking gulat ko nang malaman na may mga daga pala! Ang mga senyales na may tiktik ay nagdudulot ng takot, pero importante ring suriin ang paligid. Kung kinakabahan ka, sabayan mo ng mga relaxation techniques tulad ng deep breathing bago matulog. Mahalaga ang mental health lalo na sa mga ganitong pagkakataon.
Magbasa paSa mga kwentong bayan, talagang maraming tao ang naniniwala sa aswang at tiktik. Noong buntis ako, nakakarinig din ako ng mga ingay sa bubong, at akala ko may senyales na may tiktik. Pero madalas lang itong mga hayop. I suggest na tingnan mo kung may mga pusa o ibon na nagiging sanhi ng ingay. Minsan, ang mga kwento ng mga matatanda ay nagdadala ng takot. Pero, importante ring makuha mo ang support ng pamilya mo.
Magbasa paTotoo po yan. Walang masama maniwala. Ako din ganyan napaparanoid parang lagi may naka abang sa bintana ng room ko kaya nakakatulog ako kapag maliwanag na as in 5 am or 6am maswerte na ang 4 am na makatulog ako mula 20 weeks ata ang tyan ko nun hanggang ngayon hirap na ako matulog. May mga nakalagay naman na bawang at rosary sa bintana ng kwarto ko kaso wala kase akong kasama sa room kaya natatakot padin ako
Magbasa pakeep safe at always pray lang po tayo. sa ngayon kasama ko matulog ang mama at papa pati sister ko para makatulog ako ng maayos 😊
Maglagay ka sis ng bawang at asin sa may bintana mo. Ganyan ginawa ko para mapanatag ako haha kasi inaswang din ako nung buntis ako. Though di ko alam kung bumaba na sya sa bubong kasi semento bubong namin, ramdam ko na nasa labas lang sya kasi sobra kong init na init tapos si baby ikot ng ikot sa tyan ko. Sabi ng mother ko ganon din nararamdaman nya pag inaaswang sya nung pinagbubuntis nya pa ko.
Magbasa paganyan din po ako 2nd month- 7mos tummy ko lagi my pusa s bubong sobrA kla mo masisira bubong nmin s lakad at pagkamot nya sa dingding, tpos isang gabi sobrang init tumayo ako para umihi kitang kita ko na aso papasok na sa pinto nkakapagtaka kasi wala nman daanan sa taas ng bahay para makaakyat sya nung ginising ko mama ko nawala n lng bigla ng walang ingay o bakas
Magbasa paHala katakot naman
dati po, may sabi2 sa amin dito na may gumagaLa na mag-asawang aswang. mag-isa lng akong natutulog sa kwarto kasi nasa malayo ang husband ko. ang ginagawa ko tuwing gabi,iniisip ko na matapang ako alang2 sa baby ko. minsan nanunuod po ako ng funny videos bago matulog para maalis sa isip ko yung takot. Nakikinig din po ako ng hillsongs hanggang sa makatulog.
Magbasa pa
Precious Audriana’s Momzilla ?❤️