I Need Comfort

Nakakasama lang ng loob yung malayo na nga sya para damayan ka sa lahat ng pinagdadaanan mo, sa stress ng paglilihi, maghapon ka lang nakahiga sa sama ng pakiramdam, nilalagnat ka, wala ka ng energy kakasuka, wala ka ng nakakain, naiiyak ka na lang talaga. Tapos me hindi ka man lang nya magawang tawagan para icheck kung kamusta ka na ba? Mas importante pa sa kanya ang mag games o manuod ng movie o baka nga makipagchat sa ibang babae. Nakakasama lang ng loob na kailangan kong pagdaanan ang lahat ng ito na mag isa, kung alam lang nya yung hirap na pinagdadaanan ko sana naman kahit konting participation lang gawin naman nya yung parte ng pagiging ama nya sa magiging anak namin. Sobra nakakasama lang ng loob, sobra sobra nakakaiyak talaga.

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi ka nag iisa. Marami tayong may ganyang karanasan. Nasa 2nd trimester ako nung nagkawork si hubby at stay in sya. Laking pasalamat ko na lang na may nag aalaga pa rin samin ni baby non. Pero now that i'm pregnant again solo ko na talaga. May baby pa akong inaalagaan. Nakakaiyak na parang gusto ko ng sumuko sa hirap ng mag isa. Pero thankful pa rin ako dahil para samin naman ang ginagawa ng hubby ko. Just be strong sa magiging baby nyo. Pag lumabas na yan I'm sure makakalimutan mo na lahat ng hirap na dinanas mo. And kakayanin mo na ding mag isa para sa baby mo.

Magbasa pa

ganyan din ako nung una mamsh. buntis hanggang manganak.lahat kinimkim ko lang.hanggang dumating sa point na naghiwalay kami mga 8 months din. binigyan ko sya leksyon. nagsorry sya and promised na magbbgo na. nagkablikan kami last 2015. ngaun mag isang taon na kami kasal with 2nd baby. and yes nagbago sya. nagaaway parin minsan at tampuhan ganern pero naaayos din. dasal lang mamsh at sabihin mo sakanya nararamdaman mo. yung iba kase tlaga lalaki need sabihan ng ganito, ituro ang ganito. Godbless you mommy. 😘

Magbasa pa

try mu po sya kausapin.. mag open up ka sknya ng mga hinanakit mu at problema mu sknya pero gawin mu sa tamang paraan.. wag mu sya awayin o taasan ng boses. mkipag usap ka ng maayos. then pag nsbi mu na lahat obserbahn mu sya ng ilang arw then pag ganun po ginwa nya ulit much better wag ka muna mkipag communicate sknya pra maalala ka dn nya at bgyan ka ng importansya. pero sa ngayon mommy wag ka muna masyado mag isip. dhil makakasama sayo yan.. dapat happy lang. pray lang mommy may awa ang diyos..

Magbasa pa
6y ago

Ilang beses ko na din naman kasi sya kinausap momsh, para na ko sira plaka kakasabi sa kanya. Pag katapos namin mag usap okay tas ilang araw balik na naman sa dati. Hays. Bahala na nga sya. Focus na lang ako ke baby.

gamer din ang asawa ko at kapag di nya ako pinapansin sinasapak ko sya haha wag ka ma stress makakasama lang yan sa baby mo isipin mo nalang ang sarili mo at ang anak mo. nung ako din buntis di ako maxado pinag papapansin nang asawa ko yung tipong kasama ko sya pero parang wala minsan maiiyak na lang ako kasi feeling ko ako lang.mag isa walang nakakaintindi sa akin pero malalagpasan mo din yan emosyonal lang talaga pag bintis. kausapin mo lang nang masinsinan asawa mo and ipag pray mo sya

Magbasa pa
6y ago

Siguro nga emosyonal lang ako masyado, tama kayo mga sis siguro di ko na lang pag papansinin masyado. Focus na lang ako samin ni baby.

maraming ina mamsh ang nkaranas ng ganyang feeling. dahil nga preggy ka normal lang na maging super sensitive feelings mo. Kailangan natin maging mas matatag mamsh. Hindi po tlaga madali from paglilihi hnggang panganganak hindi pa tlaga mtatapos yung hirap natin pero palagi natin iisipin ang bata na nasa sinapupunan natin. sa atin lang siya aasa. pray lang lagi mamsh and try mo ibaling sa masasayang bagay yung isip mo. wag ka dun sa mga nkakastress😁🤗

Magbasa pa
6y ago

Maraming salamat sa inyo mga momsh, tinatry ko naman kontrolin talaga yung kalungkutan ko pero minsan talaga para na lang sya sasabog. Salamat sa comfort nyo kahit papano alam kong me nakakainitindi sa pinagdadaanan ko at sa suporta na lakas an ang loob para anak ko. Thank you momsh.

Ang anak ay biyaya nang Diyos, kahit na may kakulangan minsan sa isang pamilya lalo wala naman perpekto kaya binibigyan tayo ng Diyos nang anak para ipaunawa na kahit anong hirap o lungkot ng buhay may anak ka na kapag makita mo lang maiibsan na lahat ng nararamdaman mong kalungkutan, mag focus ka sa baby mo, mas mabuti hindi yung naiistress ka kasi ramdma din lahat ni baby yan.

Magbasa pa
6y ago

Tama kayo mga momsh focus Kay baby. Ba bawasan ko na mga negative thoughts. Salamat sa apps na to kahit pano alam ko me mga nakakainitindi sa pinagdadaanan ko.

momsh wag mong hayaan ma stress ka. maraming ganyan ang sitwasyon pero mas maganda kung wag kang magpabaya lalo na para kay baby. kung hnd ka nya madamayan, dun ka sa pamilya mo para magabayaan at alagaan kanila. sila lng makakatulong sau at ikW lng din ang makakatulong sa srili mo para lumakas ang loob mo. kawawa si baby kung palagi kang stress, kaya mo yan pakatatag ka.

Magbasa pa
6y ago

Salamat momsh sa mga sinabi mo, mahirap pala ang sitwasyon ng mga babaeng na buntis na walang asawa, kahit tanggap ng magiging ama nila ang bata mahirap pa din pala. Tama ka naman si baby na lang ang kailangan ko lagi isipin, para sa anak ko kailangan ko tatagan tong pinagdadaanan ko. Salamat momsh.

Masakit talaga yan momshie. Parang mag isa ka na lang din talaga no? Pano pa kaya kung totally na wala na lang yung partner mo. Kaso parang ganun din kung everyday ka na lang stressed sa kanya. Atleast kung single mom ka matatanggap mo at mapapag aralan mo mag isa kesa may inaasahan ka di mo naman mapakinabangan.

Magbasa pa

lakasan mo lang momsh loob mo. wag mo rin syang isipin. or better yet, try mong unahan syang tumawag. basta mauna ka magcommunicate. kung di naman kayo magkausap, try mo lang libangin sarili mo sa ibang bagay para di mo maisip. tapos pag napansin nyang di ka nagttxt, malay mo, magtxt sya. 😊

6y ago

Sa hirap kasi ng sitwasyon ko ngayon momsh inintay ko naman sya naman mag effort para atleast naman ma ease yung mga nararamdaman ko knowing na andyan sya para suportahan ako kahit ldr kami. Tawag na nga lang at chat ang gagawin nya di pa magawa. Hays.

VIP Member

kausapin mo po sya sis. ganyan din lip ko non. kumbaga pati sila nag aadjust kasi e. syempre kailangan po natin ipaintindi sakanila na hindi na sila binata, na may resposibilidad na sila. try mo po. lip ko nagbago nung nilabas ko sakanya sama ng loob ko e.

6y ago

Sana nga sis magbago sya kahit papano, mabawasan man lang yung dalahin at hirap ng pagbubuntis na nararamdaman ko ngayon