I Need Comfort

Nakakasama lang ng loob yung malayo na nga sya para damayan ka sa lahat ng pinagdadaanan mo, sa stress ng paglilihi, maghapon ka lang nakahiga sa sama ng pakiramdam, nilalagnat ka, wala ka ng energy kakasuka, wala ka ng nakakain, naiiyak ka na lang talaga. Tapos me hindi ka man lang nya magawang tawagan para icheck kung kamusta ka na ba? Mas importante pa sa kanya ang mag games o manuod ng movie o baka nga makipagchat sa ibang babae. Nakakasama lang ng loob na kailangan kong pagdaanan ang lahat ng ito na mag isa, kung alam lang nya yung hirap na pinagdadaanan ko sana naman kahit konting participation lang gawin naman nya yung parte ng pagiging ama nya sa magiging anak namin. Sobra nakakasama lang ng loob, sobra sobra nakakaiyak talaga.

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi ka nag iisa. Marami tayong may ganyang karanasan. Nasa 2nd trimester ako nung nagkawork si hubby at stay in sya. Laking pasalamat ko na lang na may nag aalaga pa rin samin ni baby non. Pero now that i'm pregnant again solo ko na talaga. May baby pa akong inaalagaan. Nakakaiyak na parang gusto ko ng sumuko sa hirap ng mag isa. Pero thankful pa rin ako dahil para samin naman ang ginagawa ng hubby ko. Just be strong sa magiging baby nyo. Pag lumabas na yan I'm sure makakalimutan mo na lahat ng hirap na dinanas mo. And kakayanin mo na ding mag isa para sa baby mo.

Magbasa pa