Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mother of 2. Soon to be 3.
I need help
May mga doctor po ba tayo dito? Salamat po
Takaw aksidente
Yung anak ko po dalawang beses ng naaksidente ngayong buwan simula ng mag one year po sya. Nung nakaraang linggo nakuryente po sya buti nakita agad ng tatay nya. Ngayon naman po nahulog sa hagdan pero nasalo naman ng naynay nya (kasambahay namin). Hindi ko pa po kasi sya napapabinyagan dahil po sa Covid19. Hindi ko po alam kung yun ba ang dahilan o talagang takaw aksidente lang sya.
falling hair
Mommies ano po ba ang solusyon sa falling hair? Napapanot na po kasi ako salamat po sa sasagot
getting fat
Side effect po ba talaga ng ligate ang pagtaba??
i'm fat
Hi po. Pwede po bang magtake ng slimming coffee/tea/juice kahit na po nagpapabreastfeed? Ang laki ko na po kasi. Salamat po
lazy
Palabas ng saloobin... Aminado naman ako na tamad ako sa gawaing bahay. Pero hindi na naman ako tulad ng dati na as in walang ginagawa. Simula ng mag asawa ko unti unti naman akong natuto sa mga gawaing bahay. Yung gawain ng isang maybahay ginagawa ko naman. Ganito ang kwento. Inabutan ko si mister na nakasimangot at sigurado ako na may something na naman. Eh di ako ayokong nakikitang ganon ang mukha nya nagtanong ako. Ayaw pang sabihin nung una pero sinabi din nya nung pinilit ko. Sabi nya nagkukwento daw yata yung nag aalaga sa mga anak namin dito sa kapitbahay. Ngayon, nakarating sa biyenan ko. At itong biyenan ko sinabi sa mister ko. Nung marinig ko na nanggaling sa biyenan ko alam ko na exagge na naman ang pagkakasabi. Alam naman at inamin ko din sa nag aalaga sa mga bata na tamad ako sa gawaing bahay. Hindi din ako palalabas ng bahay. Pero natutunan ko na din yun kapag may kailangan akong bilhin. Ang kwento daw kasi, dinudulot daw lahat sakin. Wow lang. Mister ko pa nga ang panay ang utos. Kung mag utos man ako pabili lang ng yelo at uulamin. Hindi daw ako nagalaw sa bahay. Sa totoo lang nakakagigil. Hindi ko alam pano ieexpress yung inis ko na hindi kami mag aaway ng mister ko dahil magulang nya yun. Ayoko ring magkaron ng sama ng loob sa kanila dahil nasa iisang compound kami. Nakakainis lang dahil itong mister ko laging nakikinig sa sinasabi ng nanay nya na exagge namang magsalita. Kaya ayokong malapit sa kanila. Dahil may masisilip at masisilip sya.
bukol
Nahulog yung cp ko sa 2 month old baby ko. Tumama sa may kilay nya. May nakaumbok na maliit na bukol at medyo nangitim yung bandang taas ng mata nya. Iniwas ko po kasi na daganan sya ng 1 yr old ko kaya nabitawan ko yung cp ko.
lungad
Okay lang po ba na madalas lumungad ang baby? Kada dede po kasi ni baby lumulungad sya. Ano po ba ang normal na lungad? Minsan kasi parang niluluwa na nya yung gatas.
new born screening
Mommies hindi ko pa po napapanewborn screening si baby. Naka one month na po sya. Hindi na po ba sya pwede?
mixed feeding
Hello po. Sino po sa inyo ang mixed feeding? (Breast feeding and formula feeding) mukhang nasasanay na kasi si baby sa bote. Nagstop kasi sya ng breastfeeding sakin dahil naadmit ako sa ospital ng one week dahil sa dengue. Ngayon nagmixed feeding sya kasi humina din ang gatas ko sa dede kaya feeling ko nakukulangan sya. Pano po kaya gagawin ko para masanay uli sya sa dede ko? Salamat po