I Need Comfort

Nakakasama lang ng loob yung malayo na nga sya para damayan ka sa lahat ng pinagdadaanan mo, sa stress ng paglilihi, maghapon ka lang nakahiga sa sama ng pakiramdam, nilalagnat ka, wala ka ng energy kakasuka, wala ka ng nakakain, naiiyak ka na lang talaga. Tapos me hindi ka man lang nya magawang tawagan para icheck kung kamusta ka na ba? Mas importante pa sa kanya ang mag games o manuod ng movie o baka nga makipagchat sa ibang babae. Nakakasama lang ng loob na kailangan kong pagdaanan ang lahat ng ito na mag isa, kung alam lang nya yung hirap na pinagdadaanan ko sana naman kahit konting participation lang gawin naman nya yung parte ng pagiging ama nya sa magiging anak namin. Sobra nakakasama lang ng loob, sobra sobra nakakaiyak talaga.

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din ako nung una mamsh. buntis hanggang manganak.lahat kinimkim ko lang.hanggang dumating sa point na naghiwalay kami mga 8 months din. binigyan ko sya leksyon. nagsorry sya and promised na magbbgo na. nagkablikan kami last 2015. ngaun mag isang taon na kami kasal with 2nd baby. and yes nagbago sya. nagaaway parin minsan at tampuhan ganern pero naaayos din. dasal lang mamsh at sabihin mo sakanya nararamdaman mo. yung iba kase tlaga lalaki need sabihan ng ganito, ituro ang ganito. Godbless you mommy. 😘

Magbasa pa