I Need Comfort

Nakakasama lang ng loob yung malayo na nga sya para damayan ka sa lahat ng pinagdadaanan mo, sa stress ng paglilihi, maghapon ka lang nakahiga sa sama ng pakiramdam, nilalagnat ka, wala ka ng energy kakasuka, wala ka ng nakakain, naiiyak ka na lang talaga. Tapos me hindi ka man lang nya magawang tawagan para icheck kung kamusta ka na ba? Mas importante pa sa kanya ang mag games o manuod ng movie o baka nga makipagchat sa ibang babae. Nakakasama lang ng loob na kailangan kong pagdaanan ang lahat ng ito na mag isa, kung alam lang nya yung hirap na pinagdadaanan ko sana naman kahit konting participation lang gawin naman nya yung parte ng pagiging ama nya sa magiging anak namin. Sobra nakakasama lang ng loob, sobra sobra nakakaiyak talaga.

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

momsh wag mong hayaan ma stress ka. maraming ganyan ang sitwasyon pero mas maganda kung wag kang magpabaya lalo na para kay baby. kung hnd ka nya madamayan, dun ka sa pamilya mo para magabayaan at alagaan kanila. sila lng makakatulong sau at ikW lng din ang makakatulong sa srili mo para lumakas ang loob mo. kawawa si baby kung palagi kang stress, kaya mo yan pakatatag ka.

Magbasa pa
7y ago

Salamat momsh sa mga sinabi mo, mahirap pala ang sitwasyon ng mga babaeng na buntis na walang asawa, kahit tanggap ng magiging ama nila ang bata mahirap pa din pala. Tama ka naman si baby na lang ang kailangan ko lagi isipin, para sa anak ko kailangan ko tatagan tong pinagdadaanan ko. Salamat momsh.