MALI BA AKO?

Hello mommies. Gusto ko lang mag vent out. Wala ako pamag sabihan ng sama ng loob. Nastress ako ng sobra. Buntis ako mag 4months na. Nasa america yung tatay ng anak ko. Kapag nag papadala sya saktong sakto lang sa pacheckup ko. Kung hindi ako magpapacheckup di naman nya ako papadalhan. Ni piso wala ako maipon dahil sakto lang padala nya. Pero kapag sa pamilya nya sobra sobra ung padala nya. Kahit mga barkada lang nya papadalhan nya. Tapos bibili sya ng mga gamit nya sapatos tapos paguwi sa pinas papamigay lang sya. Mali ba ako mga mommies? Ang gusto ko lang naman ay makaipon para sa panganganak ko at mga kakailanganin ko para sa baby ko. I mean kapag sa iba nabibigyan nya pero samin ng magiging anak nya sakto lang minsan kulang pa. ? tinitipid ko ung sarili ko pero sya hindi. Kung sana pwede lang ako magwork magwowork ako para di nako umasa sakanya. Mag pupulis talaga dapat ako mga mommies kaso nabuntis nya ako kaya naudlot. Hirap talagang umasa sa iba noh? Give me an advice mga mommies. Ayaw ko na umasa saknya. Kung si mama ko naman kayang kaya nya ako gastusin kaso nahihiya ako ipaako sa mama ko yung mga gastusin. ???

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Its better kng sa mga magulang u ikaw humingi ng tulong...wag na sa knya na prang nililimusan u lng..hnd p nman kau kasal..at kng maging malabo ung relasyon nyo at least wala xang isusumbat sau..pgkatapos m manganak pursue ur dreams to be a policewoman..pgnakapgtrabaho u saka m na lng suklian tulong ng mga magulang m..at mkakaya m png buhayin baby m..at ipamukha m sa tatay ng anak m na without him u and ur baby can live well..

Magbasa pa

Dapat kausapin mo din siya open po sa kanya yung side mo at mas nabibigyan pa niya yung ibang tao kesa sa inyo ni baby. Sabihin mo yung perang pinapadala niya kulang pa pang check up lang panu naman yung mga pagkain pag nag ccrave ka.

5y ago

Nagsabi ako now sis. Wala lang dn nangyari.

Fiancé lang pala ako kayo e, hindi pa kayo kasal kung kasal saka 5k? Ang mahal naman ng check up mo? By the way mag usap na lang kayo ng tatay ng anak mo, baka umaasa lang siya sa familya niya kaya ganyan yung bigay sayo

5y ago

Nasa america po tatay ng anak ko. Kung yung 5k po private ob po ako. Kasama na jan pangbili ng vitamins ko. Gatas at iba pang gamot. Kung mag ka emergency man po wala ako ipon na pera. Tsaka di po sya umaasa sa pamilya nya may trabaho po sya sa america.

TapFluencer

mas mabuti na sa mama mu nlng ikaw umasa bawal ma stress ang buntis bayaan mu ung nkabuntis sau sya nmn mawawalan di ikas

Magusap kayo sis. Alam mo mahirap kasi yan, dapat mas isipin naniya yung kapakanan niyo kesa sa iba.

5y ago

Oo sis jan ka muna mahira po talaga kapag sa ganin sitwasyon, sana makaisio po siya niyan kabang nanjan po kayo sa inyo.

Paranga baby lang tlaga ang support nya. Asawa mo un mamsh? Kausapin mo ano ba yung plan nya.

5y ago

Oo sis. Sinabi ko na sakanya yan na padalhan naman nya ako ng pambili ng gamit ng baby ko kahit pa konti konti lang. iipon ko kako ung pera. Kaso ang sabi nya wala dn daw sya work sa america dahil nga lockdown. Pero nakakuha naman sila ng pera sa presidente nila. Tsaka bago pa maglockdown kahit may work sya di padn nya dinadagdagan sis.

VIP Member

Pagusapan nyo yan mag partner. I breakdown mo lahat ng expenses mo para naiintindihan nya.

5y ago

Oo sis damit nga lang ni papa ko suot ko para malaki. Hehe

Pwede ka po mag onlinejob, mrami na po yan ngayon.

Nakakstress nmn po yan. Makakasama sa bata po.

5y ago

Thank u po sis sa advise

Kausapin mo siya tungkol diyan, ate.

5y ago

Di ko dn alam sis bakit ganon sya. Ngayon buwan 5k lang padala nya sakin pang pacheckup at pambili ko ng vitamins un sis. Pano nalang ung gatas ko anmum napakamahal. Sa susunod na bwan pa ulit sya mag papadala. Pero kakakuha lang nya ng 60k from their president donald trump. Sa kamag anak nya at pamilya nya manigay sya ng pera. Sakin kulang na kulang pa. Di ako makabili ng damit or daster ko lumalaki na kase tyan ko. Hayyyy kawawa baby ko nastress nadn