comparing issues
naiinis ako pag kinocompare anak ko ng IL ko sa iba nyang pinsan na matatalino..matalino din po anak ko 4yrs old tas grade skul naman po mga pinsan nya..nagbibilang ata ng medal lola nya naaasar ako kc nursery plng nman tinapos ng anak ko..reason nya po sa pagcocompare para mainspire daw po gayahin tama ba un?
mali po ang icompare...unfortunately ang parents ko ganyan samen mag kakapatid ..since ako pangalawa (black sheep daw) hndi ako pala aral ayoko mag memorize ayoko lahat ayoko nasa loob lang ng classroom..mas gusto ko yung na engage ako sa mga lessons yung mga outdoor lessons. mas madali para sakin yun matutunan...anyways so ayun lumaki ako na ang baba ng self confidence ko palagi ako kinukumpara sa ate ko na by the book....gusto nila ganun din ako...palagi ko sila sinasagot kahit bata pako na bakit iisa lang ba utak namen para gayahin ko sya haha palagi ako napapalo which is totoo naman hndi lang talga nila matanggap na iba iba ang way ng mga bata para matuto at iba iba ang level ng talino ng bata...may mga kayang gawin si anak 1 na hndi kaya ni anak 2 pero meron din naman kaya ni anak 2 na hndi kaya ni anak 1..haist ayun elementary,highschool until college palagi ako may bagsak hndi dahil wala ako natutunan...kundi ipinipilit sakin kung ano dapat ko gawin..pero ok naman naka raos ako ng college at nakapasa ng board exam....sa pag aaral ko nung mag boboard exam ako hndi ko pinakinggan parents ko kung ano dapat style mag aral...bahala sila jan ginawa ko yung sarili ko style..ayun nakapasa naman ako kahit hndi ko tlaga gusto course ko...sila din kase nag pilit sakin na yun course ko....kaya ngaun magkakaanak nako hnding hindi ko gagawin ginawa sakin ng parents ko iba iba tayo ng talino kaya dapat hndi ikumpara
Magbasa paSa province ba sila? Ganyan kasi sa in laws ko. Sanay sila mag compare. Kahit mga kapitbahay yun ang bukang bibig. Natural na sa kanila ang “daig ka pala eh!” Ganun. Nasanay na ako, di ko na nilalapit anak ko sa kanila. Nakikita nila pag pasko nlng. Tapos minsan nalang makita, todo lait pa. Ngumingiti nlng ako. Saka nung di pa nag-aaral anak ko (nursery din siya ngayon), ini-imply nila na mahihirapan anak ko sa pag-aaral. Magla-line of 7 daw.😅 oh diba. Ganun sila ka NEGA.
Magbasa paMay negative effect po Yun sa bata kapag kinukumpara whether positive or negative na pag compare. Baka lumaking people pleaser :( yung hindi masaya sa sariling achievement unless may approval or appraisal ng ibang tao :( mahirap maging masaya kapag nakabase lagi sa iisipin ng iba. Hays bakit naman ganun sila.. kung mahal talaga nila yung bata, di dapat tratuhin ng ganun. Saka ang success naman hindi nakabase sa grades e. Diskarte pa rin at attitude.
Magbasa paSame tayo mummy. Naiinis ako pag kinocompare ung baby ko na mag 1year old sa pinsan nia na 4years old.. sinasabi kasi ng byenan ko na ung baby ko daw nagsasalita na tapos ung pinsan nia bulol pa dn, ung baby ko kumakain ng gulay ung pnsan nia hinde.. ayaw ko lang ng ganun kasi sa ganun nagsisimula ang inggitan
Magbasa pamali po un, kc iba iba naman po tlaga development ng bawat tao. if gusto nya ng inspirasyon sbihin nya lng wag ng ikumpara.
kaya nga e oldies po kasi kya di ko masagot tlga..