MALI PO BANG ILAYO ANG ATING ANAK SA KALARONG INAAWAY SILA?
May pinsan po yung anak ko na 4yrs old at yung anak ko ay 1 yr old turning 2 pa lang sa August. Pero yung pinsan nyang iyon simula ng dumating kami dito sa bahay ng biyenan ko lagi na lang pinag iinteresan yung anak ko. Sobrang dalang dala na ko dahil pasimple nyang sinasaktan anak ko habang naglalaro kahit pa nakatitig na ko. Buntis ako ngayon at hindi kinakaya ng utak at puso konyung stress pag nakikita kong nasasaktan at naasar anak ko ng paulit ulit.. Sobrang hyper ng bata na yun. Kaya para di masaktan anak ko ako na lang lumalaro sakanya.. at pinipigilan ko na siyang lumapit sa pinsan nya at kapag pinsan naman niya yung lumalapit nilalayo ko pa din siya. Hindi na po kasi normal.
Mas okay na nilayo mo mommy. Baka din kasi gayahin ng anak mo akalain nya na tama ginagawa sa kanya ng pinsan nya at baka gawin nya din sa ibang bata na makakasalamuha nya. Ganyan kasi anak ko kaka 2 years old lang inaaway din ng pinsan then napansin ko nagiging mapanakit na din anak ko sa ibang bata kahit samin na matatanda kaya inilayo ko palagi ko kinakausap anak ko ng maayos pinagsasabihan ko yun umokay naman 😊
Magbasa paOo magandang ilayo mo na lang mahirap na baka kung anong matripan nung bata. Okay rin yung idea mo na bumukod na kayo ng pamilya mo, mahirap rin makisama baka isipin ng parents ng bata pati ibang kasama nyo dyan na ang arte mo to think na iniingatan mo lang naman si bagets.
Tama momsh ilayo mo anak mo dun sa bata at sabihin mo din sa magulang nya para alam nila ginagawa ng anak nila. Wag na wag mo lulubayan ng tingin yung anak mo kahit ilang minuto lang baka mapahamak pa. Pero kung ako pandidilatan ko talaga ng mata yung bata hehe.
alam nila lahat sa bahay kasi wala kinakatakutan yung bata kahit may nakakakita sakanya go lang siya.
Yes momsh ilayo mo nlng po anak mo kesa saktan2 lng ng pinsan nya.. Saka dpat isumbong mo sa parents nung bata para sila po yung dumisiplina para wala away or gulo.. kung matigas tlaga ulo pag sabihan mo putol kamay kamo pag nang away pa ulit.. hehe joke..
hahahahaha nako mamsh pinipitpit na nga nila ang kamay hindi nadadala.. parang laging kulang sa pansin.. at pinagseselosan anak ko kasi lagi napapansin dahil nga mabait haha
Opo mas magandang ilayo mo nalang momsh para iwas gulo rin kasi baka pag nagka-sakitan po ng husto kayong mga parents na ang magka-initan. Mas magandang huwag nalang po sila pag-samahin.
Yes better ilayo mu siya kaysa gayain pa ng anak mu yung ginagawa ng kalaro niya na magaling mangbully, sabihin din sa parent nung bata para magabayan nila yung anak at d na uulit.
Ilang beses na din napagalitan,napalo yung bata pero never nakinig.. nakakaworry na sa ganung edad ang hirap na kontrolin ng ugali. Kahit habang kumakain kami tatalon siya ng tatalon para gayahin siya ng anak ko kaya kahit pati sa pagkain bumubukod na lang kami.. Iba na yung level ng kahyperan nya kasi may halo ng pagkasalbahe. Tapos lagi pa inaagaw lahat ng laruan na nilalaro ng anak ko. Kaya lalayo na talaga kami literal mismo dito sa bahay na to aalis na kami. Thank you sa sagot mamsh ha. 💕
tama lang ginagawa mo momsh. maganda pa jan isumbong mo sa parents nya para madisiplina
thank u mamsh💕
Yes po mommy okay na po yun ginawa niyo. ilayo niyo nalang po si baby.
yes po mommy kasi mga bata ba yan mamaya magka pisikalan pa
Yes po, tama yan mommy.
A wife and a mom of two lil children. Mommy Blogger by heart ?