Nagsabi sakin si partner na magcicivil daw muna kami ng kasal. Sinabi nya din naman sa magulang ko. Ako okay naman sakin yun at kasi hindi planado si baby kasi akala ko may PCOS pa ako. Akala ko hindi nya lang inaasikaso kasi nga MECQ pa nung mga time ngayon pero ngayon kasi eh GCQ na dito hindi ko alam kung may plano sya sa kasal namin. Pero ayaw ko din naman sya pilitin baka sabihin pinipilit ko sya. Hindi nya lang kasi binobrought up ung tungkol dun. Nag-aalala kasi ako baka anlaki na ng tyan ko bago kami ikasal sabihin nyo man na maarte ako pero syempre ayaw ko na malaki na tyan ko bago kami ikasal ( no offense po parang di ko lang feel at baka mahirapan na ako bumyahe nun ) Hindi ko alam lang gagawin ko mga momsh kasi baka pag kinausap ko sya baka naman mapilitan lang siya at mapressure siya. Gustuhin ko man sya kausapin pero alam ko na kasi magiging outcome eh. Gusto ko lang malaman since hindi nya binobrought up ung tungkol sa wedding eh is hindi ba sya interisado dun or ayaw nya pa? Gusto ko kasi isipin na isusurprise nya ako kaso hindi naman sya ganun eh hehe~
Pahingi advice mga mommies :'<
#advicepls
Kristan Policarpio