Feeling Confused
My partner proposed to me and super thankful ko kasi almost 5 years na kami nagsasama. We also have 1 baby na. Obviously ako maeexcite about sa wedding namin especially sa preparation. I told him na wala talaga akong ka-idea idea sa weddings kasi before hindi talaga ako nanonood about weddings kasi nga maiinggit lang ako haha. Pero ngayon I am very confused kasi nga when we talk about wedding parang hindi sya interested, at hindi wala rin syang plano kung kelan kami magpapakasal kahit sabihin nating 1 or 2 years from now. Eh ako kasi pagdating sa mga celebration 1 year palang pinaplano ko na because gusto ko lahat smooth at hindi mastress during sa event. I sent him ideas and venues pero parang aagree lang sya then paguwi galing sa work inaantay ko na pagusapan namin yun pero wala talaga. Before nagusap rin kami na gusto nya muna ikasal kami bago sya bumalik mag aral pero ngaun lagi nyang sambit sakin na mag aaply na daw sya ng application para makapag enrol. Eh ako todo support naman pero sa loob loob ko bakit ganun parang nalimutan nya na ata ung sinabi nya. iniisip ko tuloy parang natalo lang sya sa pustahan ng mga kaibigan nya kaya sya nagpropose or gusto nya lang ako di mag isip nga masama tungkol sa kanya. I am very good at keeping my feelings pero nadidrain ako kakaisip. Gusto ko sya kausapin about dun pero nga I know na baka mapressure naman sya at mapilitan. ayaw ko naman ng ganun. Di ko na alam gagawin ko. #advicepls