Tamad ba ako?

Pag nagkikwento kasi si mother in law about sa pagbubuntis nya sinasabi nya na namamalengke pa sya at nakakapaglaba at kung anong mga gawain sa bahay. Hindi ko alam kung nagpaparinig ba sya o ewan ko. Dito pa kasi kami nagstay sa kanila due to pandemic mahirap makahanap ng bahay..Pero mabait naman sa MIL minsan lang nababahala lang ako na baka natatamaran sya sakin kasi minsan nakaupo lang ako pero tuwing umaga naglilinis naman ako sa loob ng bahay di nya lang nakikita kasi namamalengke sya. Sa case ko kasi mga mommy nagkaroon ako ng subchorionic hemmorhage nung first trimester ko kaya super bed rest ako nun kaya ngayon nag aalala ako na baka konting kilos ko eh bumalik ulit hindi ko lang masabi kasi baka hindi nya maintindihan. Hindi ko lang talaga alam kung nagpaparinig sya or nagkikwento lang. #FTM #Needadvice

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mas maganda momsh if alam ng biyanan mo yung condition mo.. or kahit ipasabi mo sa hubby mo para iwas misunderstanding.. kasi ganyan din ako nung buntis need ng bedrest.. tas kapag nakikita ako ng byanan ko na nakatayo pinapagalitan ako.. hehe magsabi na lang daw ako if may kailangan.. malay mo ganun din pala kacaring si MIL mo

Magbasa pa
4y ago

thanks momsh. minsan kasi napapaisip ako ilang beses nya na kinukwento eh. haha napapraning lang siguro ako