Nag-uusap pa rin ba kayo ng ex niyo?
Hi moms! Nag-uusap pa rin ba kayo ng ex-bf niyo kahit may asawa na kayo pareho?
Yung ex ko dati nung kinasal cya hanggang sa nagkaanak cya chat pa din ng chat saken. Inuupdate ako sa masaya nyang buhay.. π pero ako na nagsabi na tumigil na cya sa kakaupdate saken kasi hindi healthy para sa akin. Lalo ako d makapag move on.. charot! (iniwan nya kasi ako para lang dun sa asawa nya ngayon) saka ano pa saysay na ituloy ang friendship? Anyways... after 10 years.. feeling ko sinisilip nya pa din fb ko paminsan minsan. 3yrs ago nung nagka bf nko... inaadd nya ako sa fb. Ni reject ni bf/hubby ung request nya.. π tas e2 last yr nag post ako ng wedding pic namin ni hubby.. d ko naman cya friend pero ni like nya ung ung picture namin..
Magbasa paFriends parun kami sa fb ng ex ko. Walang closure nung nag break kami. Through chat lang din nag break. Pareho kami ma ego eh. Pero binabati ko pa din sya pag birthday nya or pag birthday ko chinchat nya ako. Never na kami nagkita simula nag break hanggang ngayon may pamilya na ako at may jowa nadin sya. Pero pamilya nya super close ko padin hanggang ngayon. π
Magbasa paYung ex lang na kaibigan ko talaga (friends kami before magtry na maging kami so we understood na hanggang magkaibigan lang talaga), we still talk from time to time pero di na ganun kaclose. Basta update lang sa asawa at mga anak, share lang ng experience. Ganun lang pero ung coffee catch up na ginagawa namin before getting married wala na ganun.
Magbasa paNagparamdam din sakin ex ko after how many years.. nangangamusta lang daw sya hahaha sabi ko okay lang nman ako eto magkakababy na , nag ask sya kung yun daw bang bf ko dati na nakita nya sa social media ang daddy ni baby , sabi ko oo sya padin namn partner ko gang ngayon Congrats daw samin tas after nun di na sya nagchat pa π
Magbasa paNo.. Para saan pa.. Kung my anak kau un pwde kau magcommunicate para sa bata.. Pero kung wla naman bakit pa kau mag uusap.. Kung tlgang mahal mo ang asawa/live in partner mo ngaun mas mabuti nang wag mo kausapin ung x mo.. Baka yan pa ang pagmulan ng away nio.. Mas mabuting pagtuunan mo nalang ng time pamilya mo
Magbasa paUng isa lang na tropa ko before, parang malambot kasi un eh, kahit nga husband ko nakakausap un basta may get together ang barkada. Pero ung iba no, di na dapat. Should not even be in the friends list sa fb. Wala namang reason pa to communicate. Respeto din sa asawa ko at asawa ng ex saka para iwas issue.
Magbasa paNag uusap? Hindi nman sa nag uusap. May time lang na magkakamustahan at yun lang wala na. D nman masama magkamustahan minsan naalala ko parang 5 mos ako ata yun nung kinamusta ako. Then un lang ayaw ko na din nman makipag usap pa ng kung ano2. Respeto lang din nman sa isat isa.
Yes before. We usually just greeted each other occasionally tas I stopped na nung engaged na kami ni boyfriend kasi naguiguilty ako kahit walang malisya. Actually kahit sinong boys dapat di ako masyadong nakikipag-usap. Ang hubby ko lang nag-iisang lalaki sa buhay ko.
hindi ko kimakausap sa chat, pero sa personal.ko konakausap at kapag nagkakausap kami ninex lagi ko kasama si hubby. kasi may mga occasion na nagkrukrus talaga landas namin ng mga ex na yan. hehehe even family ng ex ko nakakusap ko pa at pati si hubby din. πππ
Recently lang after ilang years bigla siyang nagparamdam, then I found out medyo hindi sila magkasundo ng asawa niya at first akala ko nangangamusta lang pero nung naramdaman ko na iba na ako na umiwas. So for me dapat hindi na kayo naguusap talaga