Missed miscarriage, question po

Nag TVs na po ako kanina sadly wala po heartbeat si baby around 7 weeks Siya na stop... First baby ko Sana to. Pa advice naman po kung ano dapat gawin o inumin para lumabas po Siya..

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Better to go to an OB. Kasi ako nagkaganyan din last Oct. 2021. Missed Miscarriage or Embryonic Demise po. Wala akong bleeding or abdominal pain na nararamdaman noon. Nakita lang sa TVS na no hb at 7w4d. I consulted 2 different OB's just to make sure na wala talagang hb. They gave me evening primrose oil na ilalagay sa pwerta for 3xaday for 1 week then kapag dinugo raraspahin daw ako. Kaya lang wala padin akong pain or bleeding after a week kaya naghanap na ako ng ibang OB. Now on my third OB, wala na talaga hb si baby at di na sya lumaki and she was telling me na medyo conservative sya like she wanted a natural way that's why we will try the Medical Passage and mas maganda yung treatment nya sakin unlike don sa first/second OB na napuntahan ko. Ineexplain lahat. May nireseta syang gamot sakin na bibilhin namin sa mercury pero personal na sya ang mag iinject sa pwerta ko. Pampacontract daw yun ng matres. Every 3 days nabalik ako sa ospital para magpainject and on my 3rd inject, don na ako naglabor. Btw, kung sa 3rd inject di pa humilab ang tiyan ko, mararaspa na ako. But then, nagkaroon na ako ng contractions and don na nagstart ang heavy bleeding, buo buong dugo na ang nalabas sakin at sobrang sakit ng puson ko. Niresetahan ako ng mataas na dosage ng pain reliever kasi di ko talaga kaya ang sakit and magpararaspa na dapat ako. Pero sinabi ng OB ko na sayang naman yung nga gamot na iniject sakin at sayang din kung magagasgasan ang matres ko. Konting tiis nalang daw. Nagstart ang contractions ko ng 11 am after the 3rd inject and 10 pm that night nailabas ko na po ng buo ang sac with the embryo sa bahay. Sinend lang namin ang pic sa OB ko and sinabi nya na yun na daw yun. Niresetahan lang ulit ako ng gamot na pampalinis ng matres for 5 days. Nung naubos ko na yung gamot, saktong pawala na din yung bleeding ko kaya nakasched na ako for TVs para macheck if may naiwan. And successful naman kasi nailabas ko lahat. Hoping and praying for your recovery Mii. Mahirap pero kailangan tanggapin. Until now, nalulungkot padin ako sa nangyari but then life must go on. šŸ¤šŸ™ Ito pala yung gamot na ininject sakin.

Magbasa pa
Post reply image
2y ago

salamat po atleast may idea na po ako

ako niresetahan ako ng gamot din pampalabas , 6 weeks din sakin Wala na baby ko.. kinabukasn lumabas na Sya the with in after nun uminom ndin ako ng vita plus melon nirecomend skin ng ate ko ksi pampalinus din un alng vitamin sya 7 days tinuloy kolng ksaby ng gamot pra malinis talgal din pina tvs nya ko ulit Wala na malinis tlga then. after one month nd nko nagkaroon.. un pla buntis na pla ako ulit šŸ˜Š ngayon 4 months preggy na ko January ksi ako nakunan then February nd nko nagkaroon buntis Npla ko šŸ˜ŠšŸ˜Š

Magbasa pa
2y ago

salamat po

7 weeks din Ako nun nang Hindi pa nagpakita si baby ko at Wala pang heartbeat .Sabi Sakin balik Ako after two weeks. Pero di ako bumalik. Hinintay ko pa nang mag 14 weeks Ako... At ganun nga Po sa awa at tulong Ng Panginoong Diyos, sinagot Niya panalangin ko... Tiwala at manalangin ka lang Po ha. :)

2y ago

opo

Iā€™m so sorry for your loss. Stay strong po. Anyway, sakin po tinry ko muna sya daanin sa gamot for a month. Kaso blood clots lang lumabas sakin. Sobrang makapit si baby, ang ending D&C pa rin šŸ˜…

ako rin po kasi mmya yung schedule ko ng tvs medyo kinakabahan po ako. kahapon po kasi na ultrasound ako nakita yung fht nasa 164 sya. I'm 7weeks pregnant po

TapFluencer

Wala po ba inadvice si doc sayo mi? Usually pag ganyan tatanungin ka if ano prefer mo, if raspa agad or antayin mo na kusa ilabas e.

2y ago

nangyari din sa akin to 7weeks preg afternoon 4pm nag bleeding ako kaya punta agad s hospital ni rcitahan ako pampakapit daw un uminom agad ako Bali 3x a day for 7weks nung gabi din n un nilabasan ako Ng buong dugo kala ko si baby n un pero na rest lng ako d nko pinapunta Ng hospital tas request for ultrasound den transv ultrasound nakita may bleeding s placenta good thing ok daw si baby s loob super liit pa at normal ung heartbeat nya Wala nko bleeding sa mga sumunod n araw den nag pa laboratory ko ok nmn, until Ng 2nd ultrasound ko ika 12weeks ko na aun clear n daw Wala n bleeding first time ko narinig heartbeat ni baby tapos panay sya s galaw during Ng ultrasound kakatuwa..pero Ang Dami ko nararamdaman n bago s katawan ko cgro s pag laki ni baby kaya tska s edad ko n din cgro pero pang 3rd baby ko na po...feeling ko ngyon p lng ako Ng buntis never ko Kasi na experience ung mga nararamdam ko ngyon noong 1&2 baby ko since 24-25 pa lang ako nun ngyon Kasi 37 nko:)

hello momshie ito lang po advice ko sayu pumunta ka po sa doctor para mabigyan ka agad ng midicine for heartbeat ni baby

2y ago

wala na po talaga Kasi 11 weeks na dapat cya tas Di na po lumaki last nya 7weeks palang....

sge po salamat

ok