Confused.

Hi mumsh kung ano ano pumapasok sa isip ko ngayon iba pakiramdam ko or over thinking lang ako sa asawa ko isang buwan na kami hindi nag make love diko alam kung may babae sya or wala ayuko sya pagisipan ng kung ano kasi okay naman sya sweet sya sakin inaalagaan nya ako at okay sya sa pakikisama sa family ko at ginagampanan nya obligasyon nya sa magiging anak nya pero tuwing darating sya galing work tapos matutulog na kami di sya nagyaya mag make love kami kahit pag rest day nya hindi, kaya parang napapaisip ako na baka sa iba nya nakukuha pagkukulang ko or pagod lang sya pero mumsh alam natin mga asawa natin hindi lumalagpas ang isang week or 2 weeks na hindi man lang nakakaisa or magyaya na mag makelove kasi pangangailangan nila yun. Tama ba na panghinalaan ko sya mga mumsh :( may tiwala ako sakanya pero sa mga kinikilos nya kasi kagaya ngayon maaga sya pumasok tapos baka mag OT pa daw sya later. Hays ewan ko pero ang cold nya di pa sya nag uupdate. Any advice mga mumsh :(

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Wag muna maghinala momsh, sabi mo nga supportive naman siya sa pregnancy mo at sweet pa rin naman.. Malay mo naman momsh natatakot lang talaga si husband mo makipag’love making kasi baka mapano so baby sa loob although safe naman ang sex kahit preggy basta hindi risky ang pregnancy mo. Kasi ganyan din si hubby ko eh, mas matagal nga ang amin.. 7 months or can i say the whole pregnancy ko hindi talaga kami nag lovemaking ni hubby at sobrang takot siya na baka mapaano kami ni baby. Nagtiis talaga siya momsh.. Until now nga hindi ko pa rin siya napagbibigyan at Ceasarian din ako so need pa mag heal ng tahi ko, pero never ko naman na feel na may other woman si hubby.. Kaya tiwala kalang momsh.

Magbasa pa