BABY NAHULOG SA KAMA

One mos old lang po baby ko nahulog po sya sa kama . Nakadapa po sya sakin, sobrang pagod at puyat ko po talaga kaya nakatulog ako di ko namalayan :((( Sino po sainyo same experience saken? Nagaalala po kasi talaga ko. Mahal na mahal ko po si baby :((( nakakastress po talaga. Baka po mamaya magkaron sya problema sa pagiisip , internal bleeding mga ganon ;( nakakaparanoid hayy

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

experience ko naman nalaglag ung first baby ko 1 month din sa duyan, ang taas pa ng duyan nya. ayon pinunta ko kaagad sa ospital pinatingnan ko kahit 200php lang pera ko. sinabi ng doctor nakita mo ba ng malaglag sabi ko hindi po. umiyak ba xa, sagot ko opo. malakas ba,sagot opo. tiningnan nila. wala namang pasa walang galos. ang sinabi sa akin, obserbahan mo sya pag kakaiba na yong iyak nya at kung sumusuka sya,bumalik ka d2 pag wala safe si baby. ayon shes 20 yrs old right now 2nd yr college at ngtapos ng senior hs with high honors 96 ang average. ayon sa matatanda pag ganyang edad pa dw sinasalo ng kanilang guardian angel. pero mas maganda patingnan mo talaga xa. wag mong patagalin.😁

Magbasa pa
5y ago

Salamat po ng marami. Hindi naman po kasi umiyak si baby ng malakas. Tumigil po kagad pagka karga ko pero nakakapag alala lang po talaga ;(

VIP Member

dapat mommy hindi niyo rin po sanayin na nakadapa ang baby niyo na natutulog kasi it may cause SID (Sudden Infant Death). Kahit gaano tayo kapagod mommy kailangan natin isecure ang safety ni baby natin. Sila ang dapat ipriority natin over sa pagod natin. Kasi d na natin maibabalik ang pngyayari kung may mangyyaring masama kay baby ng dahil mas pinairal nating unahin ang pagod ntin. Kung alam naman nating pagod tayo, isecure na natin agad kalagayan ni baby bago magpahinga

Magbasa pa
VIP Member

Observe mo si baby mo sis, watch mo mga symptoms ng head injury: kumbulsyon o mataas na lagnat, sobrang pag susuka, labis na pagtulog, pagdurugo sa Ilong at tenga... Pag me mga ganyan ka Napansin takbo mo na agad sa ER... Pero kahit ngayon naman sis ng mapanatag kalooban mo pacheck mo na si baby kahit atleast xray magawa sa kanya to check lang, mainam na makasigurado.

Magbasa pa
VIP Member

Mas maganda kung dalhin mo na sa pedia mamsh. Parang newborn pa yung 1month. Look for these signs sa loob ng 24hrs. Hindi pantay yung itim ng mata, tulog ng tulog, nagsuka, unresponsive at iyak ng iyak. Kawawa naman si baby. Sana ok lang sya. 🙏

VIP Member

Pacheck n agad mommy. I feel your pagod at puyat ganyn tlga kpg newborn, kahit ako nakatulog nmn sa pagpapadede, pero tlga ginigising ko sarili ko. O kya kapg di kya sinsabi ko sa asawa ko patulugin muna ako pra maregain ung lakas ko.

Same. First baby ko. Natutulog sa dibdib ng daddy nya then nahulog sa kama. 2 weeks old. Pinacheck up agad namin. Sabi ni pedia observe daw kasi masama naman daw i scan sobrang baby pa. Pacheck mo sa pedia.

5y ago

What happened po sa baby nyo? May bukol po ba? Same sa baby ko 😭 sobrang nakakapag alala. 1 month old naman sya.

VIP Member

Sis para mapanatag ka, ipatingin mo si baby sa pedia. Nakakaparanoid talaga mag isip lalo na kung kay baby. 😣 Pero sabi pag di mo daw nakitang nahulog di baby sinasalo daw yan ng angel nya.

kawawa naman si baby. dalhin mo nalang siya sa pedia ma para makasigurado may mga signs naman na ipapacheck sayo kung mejo seryoso yung pagkahulog niya. pero sana okay lang siya.

Same experience nakapatong din si baby sakin wala pa siya a month old nun. Gladly sa tabi ko lang siya nahulog ganito po yung pwesto niya yung nakita ko siya (photo not mine)

Post reply image

Pacheck up mo nalang sya para sure tapos observe mo din kung mananamlay sya lalagnatin or magsusuka kawawa naman si baby

Related Articles